top of page

REY, GINAGAWA NA ANG MGA GUSTO BAGO PA PUMANAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 27, 2023





Sa grand mediacon ng pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) na bio-flick ng OPM icon na si Rey Valera, isa sa napag-usapan ay ang yumaong si Rico J. Puno.


Malaking bahagi rin kasi ng successful songwriting and singing career ni Rey ay si Rico J. dahil noong wala pa siyang pangalan ay gumawa siya ng kanta para sa The Total Performer, ang Ako si Superman.


Unfortunately ay hindi na nai-record ni Rico ang nasabing awitin and suggested instead na si Rey na lang ang mag-record na siya ngang nangyari at siyang naging simula rin ng pagsikat ng singer-songwriter.


Sa mediacon ay nagbalik-tanaw si Rey noong bago pumanaw si Rico J.

Aniya, "magkakasama kami nina Imelda Papin, si Rico Puno, si Claire dela Fuente at saka ako sa isang show. One week after, namatay si Rico Puno. Pandemya, namatay naman si Claire."


Patuloy niya, "nun’g magkita kami ni Imelda Papin, sabi ko, ‘sino ba ang susunod sa ating dalawa?’ Kako, ‘dati, ang mga kasabay natin sina Claire dela Fuente, patay na. Si Eva Eugenio naman, malapit na. Umiinom na ng formalin ‘yun, eh ‘di ba? Para ‘yung mukha, hindi malaglag."


Tawanan.


Pero aminado naman din si Rey na talagang nasa dapithapon na rin siya ng kanyang buhay kaya naman ginagawa na niya ang mga gusto niyang gawin ngayon.


"Dahil kokonti na lang ‘yung panahon na binigay sa ‘yo, eh. Kaya in a hurry ako ngayon, eh," saad nito.


Ang ginawa raw niya ngayon ay nagtayo siya ng isang maliit na kumpanya dahil gusto niyang mailabas ang lahat ng kantang ginawa niya na hindi pa nare-release.


"Ang mahalaga sa akin ay makapag-contribute pa ulit kung meron pa akong natitirang talent o maise-share. That way, you know, makapagpaalam ka nang maayos, marami ka pang nagawa. Kaya in a hurry ako ngayon," sabi ni Rey.


Samantala, aminado si Rey na nagulat siya nang sabihin sa kanya ni Direk Joven Tan na isasapelikula ang buhay at musika niya.


"Nu’ng nabanggit niya sa akin na may gagawin daw siyang project, at first, hindi siyempre ako naniniwala. Sino ba naman ang magkakainteres sa ganito?


"Ang una kong reaksyon is baka naman kailangan niya ng tulong para ano. Ibinigay ko ‘yung manuscript ng librong ginagawa ko kay direk," kuwento ni Rey.


After a year, kinontak daw siya ulit ni Direk Joven at sinabi sa kanyang tuloy na ang project.


RK Bagatsing is portraying as Rey na talaga namang pinalakpakan ng lahat after the celebrity screening na ginanap pagkatapos ng mediacon dahil sa mahusay niyang portrayal.


Star-studded ang pelikula dahil kasama rin sina Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, and Gardo Versoza.


Produced by Saranggola Productions, showing na this April 8 ang Kahit Maputi Na Ang Buhok ko (The Music Of Rey Velera) sa mga sinehan bilang isa sa mga official entries ng kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page