Retokada raw at feeling maganda… SIGAW NI ELHA: MAGANDA AKO, 'WAG LANG ITATABI KAY PIA
Oct 14, 2022
1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 14, 2022

Pinalagan ng grand winner ng The Voice Kids noong 2015 na si Elha Nympha ang nagsabing "feeling maganda" siya.
Ayon sa basher, nagpagawa umano ng mukha ang Kapamilya singer at feeling maganda ito.
Biro naman ni Elha, maganda raw siya, huwag lang itatabi kay Pia Wurtzbach dahil papangit siya.
Marami naman sa mga netizens ang naghayag ng suporta kay Elha matapos ang body shaming na komento ng basher.





Comments