top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

Respeto sa parents, ayaw nang magdetalye… FRANKIE, UMAMING MATAGAL NA SILANG ‘DI NAG-UUSAP NI KC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 8, 2026



SHEET - FRANKIE, UMAMING MATAGAL NA SILANG ‘DI NAG-UUSAP NI KC-IG _frankiepangilinan & _kristinaconcepcion

Photo: IG _frankiepangilinan & _kristinaconcepcion



“Never ko pong naisip na half-sister ko s’ya. Well, of course, biologically, that’s true, but as far as I’m concerned, I love her very much, I love my sister very much, and I think I can say I miss my sister very much!” ito ang diin ni Frankie o Kakie Pangilinan tungkol sa kanyang Ate KC Concepcion.


Nakapanayam sa Ogie Diaz Inspires si Kakie na in-upload sa YouTube (YT) channel nu'ng isang gabi at isa sa mga napag-usapan ay ang relasyon nila ng kapatid niyang si KC dahil kinumusta ng host ng show.


Si Kakie ang panganay nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta, samantalang si KC ang panganay nina Sharon at Gabby Concepcion. May 15 years age gap ang magkapatid.


Patuloy ni Kakie, “Out of respect po for my parents, I may not divulge so much information, but I can say this confidently that she will always be my sister.”


Inamin naman ni Kakie na matagal na silang hindi nag-uusap ng Ate KC niya.

Aniya, “We haven’t spoken really in a long time and, of course, every family naman has (conflict), you know, and we’re working on it.


“I wanna make it very clear, I’ve always loved my Ate, I love my Ate so much. Every time I ordered birthday cakes nga po for Mom and Dad, inuuna ko po ‘yung pangalan n’ya (KC), and if we haven’t seen and spoken to each other for a very long time, but yeah, that’s never been in question na mahal ko po ang Ate ko for sure.”


Kilalang emosyonal si Sharon at vocal naman itong nagsasabing nami-miss niya ang panganay niya dahil nga hiwalay sila ng tirahan sa mahabang panahon kaya natanong ni Ogie kung paano niya ito pinakalma.


“Pinag-uusapan naman po namin ‘yun and I think that’s what I learned from my Mama when she gets emotional and she expresses things, and ‘pag ganu’n, we just listen to and hear. ‘Di naman po n’ya sinabing entirely na may kailangang ayusin agad, like problem na kailangan ng solusyon. Minsan, kailangan lang ng someone’s hand to hold,” paliwanag ni Kakie.


Malaki ang age gap ng magkapatid kaya may mga hindi sila pinagkakasunduan pero maayos naman daw itong pinag-uusapan.


“‘Di naman porke’t may disagreements, automatic na fight or away na agad. I don’t think that’s true. At saka ang laki ng (age gap) namin ni Ate kasi, and for a very long time, I was a kid and I just want to be like my Ate, love my Ate so much, and when things get hard, it feels like, and also there’s a lot of fake news po. To clarify that, ang dami pong fake news and never ko pa pong nakita ‘yung totoong nangyari in any shape online whatsoever,” pahayag ng dalaga.


Maraming bashers si Kakie pero hindi na niya pinapatulan.

Dahilan niya, “It will sound like defensive. Kaya ipapakita ko na lang every day of my life at ‘di ko na kailangang i-post (pa) na iko-contribute ko pa ru’n sa tsika na ‘di naman totoo.”

Anyway, sana ay napanood ni KC ang panayam ng kapatid niya. Lumaki itong tinitingala siya bukod sa magulang nila.





EPEKTIBO ang kunwaring mag-asawa sina Gabo at Sam sa Coco Martin’s Sigabo, pero dahil ito sa totohanan na kilig na hatid nina Coco Martin at Julia Montes sa mga viewers at netizens dahil sa kanilang natural na chemistry at mga eksenang punumpuno ng lambingan.


Lalo pang kikiligin ang CocoJul fans sa mga susunod na episodes dahil mapapanood sina Gabo (Coco) at Sam (Julia) na sweet na nagsasayaw at nagpapalitan ng matatamis na ngiti sa birthday party ni Rudy (Joey Marquez), ang ama ni Gabo.


Sa kabila ng kanilang masayang pagsasama, hindi pa rin nalilimutan ni Sam ang tunay niyang pakay. Nagpapanggap siyang may amnesia upang maimbestigahan si Gabo at malaman ang koneksiyon nito sa kaaway niyang pamilya ng mga Zafra.

Ngunit habang nagpapatuloy ang kanilang pagpapanggap, tila unti-unti na ring nagiging totoo ang kanilang nararamdaman. 


Patuloy namang umaarangkada ang kilig at good vibes na hatid ng kanilang mga eksena gabi-gabi.


“Gusto namin na kahit papaano, makapagbigay kami ng inspirasyon, kilig, at saya sa bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng Sigabo, sa munting oras na nakakasama natin sila gabi-gabi, sana’y napapaligaya natin sila, napapatawa, at nare-reminisce ‘yung mga mag-asawa. At s’yempre, para magkaroon din ng inspirasyon ang mga kabataan,” sabi ni Coco sa behind-the-scenes video na inilabas ng CCM Film Productions.


Hindi naman puro lambingan ang mangyayari sa birthday party ni Rudy. Mauuwi sa mainit na angasan ang selebrasyon sa pagdating at panggugulo ng grupo ni Django (Jhong Hilario).


Hanggang kailan maitatago nina Gabo at Sam ang kanilang mga lihim? At ang kunwaring pagmamahalan ba nila ay mauuwi sa totohanan?


Huwag palampasin ang kilig at masasayang eksena sa Coco Martin’s Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant.


Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page