Resibo na ‘di retokada… ANDREA, TODO-BUYANGYANG NG KATAWAN
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 21, 2026

Photo: Andrea Brillantes - IG
Gumiling na ang kamera para sa first taping day ng serye nina Enrique Gil at Andrea ‘Blythe’ Brillantes para sa TV5.
A Secret in Prague (ASIP) ang titulo ng kauna-unahang proyekto na pagtatambal nina Andrea at Enrique.
Ayon sa isang exclusive information mula sa aming source, nakapag-taping na sina Quen at Blythe para sa ASIP, isang mystery-thriller TV series.
Anytime soon, nakatakdang umalis ang bagong screen tandem papuntang Prague, ang largest city ng Czech Republic.
Pero mauuna munang umalis papuntang Prague ang production team ng TV series nina Enrique at Andrea para matsek na nila beforehand ang location at iba pang details sa shoot. Para pagdating ng mga artista, ready na agad silang kumuha ng mga eksena.
Sa ngayon pa lang, excited na ang mga fans nina Blythe at Quen sa unang serye na pagsasamahan nila. Napaka-refreshing ng dating ng tambalan nila on screen.
Samantala, pinainit ni Andrea ang social media sa kanyang post sa Instagram (IG) ng video ng behind-the-scenes ng shoot para sa pictorial niya bilang calendar girl ng Tanduay para sa 2026.
Napakaseksi ni Andrea at lumabas na isa na talaga siyang ganap na babae, malayo na siya sa pagiging child star noon.
Mabuti na rin na ipinost ni Andrea Brillantes ang behind-the-scenes during her pictorial. May resibo siya na katawan niya talaga ang nasa kalendaryo at hindi niretoke.
May mga bashers kasi ang nagsasabing edited at retoke lang daw ang katawan ni Andrea Brillantes para sa kalendaryo ng Tanduay. That’s not true at kita naman sa ‘resibo’ ng aktres.
Ipinaghanda ang ex…
CLAUDINE, GINASTUSAN ANG B-DAY NI MARK ANTHONY
PANSIN na pansin ang closeness ng mag-ex-lovers na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa set ng kanilang teleserye.
May post si Claudine with Mark na nagsasayaw silang dalawa bago pumunta sa set para sa kukunang eksena sa kanila.
Sumunod na post ni Claudine sa social media ay ang birthday surprise niya para kay Mark. Ipinaghanda ng aktres ng pagkain ang aktor sa set.
Pabida ni Claudine sa video, “Biglaan ‘yan, ha? Kaninang umaga lang sila nagluto.
Ginawan nila ng paraan.”
Grateful naman si Mark sa mga nag-prepare ng food.
Unang naging magkasintahan sina Claudine at Mark Anthony. Kaya naman marami ang natuwa at kinilig sa pa-surprise ni Claudine para kay Mark.
“Baka sila na ang forever.”
“Ang ganda n’yong tingnan, sana ay forever na.”
“Bagay sila talaga in all aspects. Dapat, sila na lang.”
“Kayo na lang ulit, tapos sabay n’yong ayusin ang buhay n’yo.”
Love is lovelier nga kaya the second time around kina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, if ever?








Comments