UP Fighting Maroons solo lider na, dinurog ang UE

by Gerard Arce @Sports News | October 26, 2026

Photo: Sinupalpal ni Dikachi Ududo ng UP Fighting Maroons ang bola ni Dexter Santos ng UE Red Warriors sa labang ito sa UAAP game kahapon. (UAAPpix)
Mga laro sa Miyerkules
(SMART Araneta Coliseum)
2:30 p.m. – NU vs Ateneo (Men)
5 p.m. – AdU vs FEU (Men)
7:30 p.m. – AdU vs FEU (Women)
Rumatsada ng husto sa 4th quarter ang UP Fighting Maroons upang tuluyang tambakan ang UE Red Warriors sa 101-70 at paigtingin ang winning streak sa lima sa pagpapatuloy ng 2nd round ng preliminaries ng UAAP Season 89 Collegiate Men’s Basketball Tournament sa pambungad na aksyon sa Blue Eagle Gym.
Higit na pinalawig ng trifecta nina Choi Palanca, Sean Franco, at LA Andres ang atake ng Fighting Maroons’ upang tuluyang lumayo matapos na lumapit ang UE sa 11 puntos sa huling bahagi ng 3rd quarter. Kumamada ang tatlo ng 14 puntos mula sa 17-2 arangkada ng UP para dalhin sa 87-61 ang laro sa nalalabing 6:27 sa final canto.
“What we like in the game earlier sabi ni Coach Gold (Monteverde), especially for the players that came off the bench, the excitement was there to play,” ani Fighting Maroons assistant coach Christian Luanzon, na sinundan ang 91-81 panalo sa first round kontra UE.
Dahil sa panalo ay umakyat sa solo 7-2 kartada ang UP para lumapit sa ika-6 na sunod na Final 4 appearance, habang patuloy na nalulubog ang UE.





Comments