top of page
Sharlene San Pedro - IG.jpg

Resbak sa pagkalat na may attitude siya… BELLA: PATAWARIN NG DIYOS ANG MGA NAGTANGKANG SIRAIN AKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 1, 2026



BULGARY - BELLA PATAWARIN NG DIYOS ANG MGA NAGTANGKANG SIRAIN AKO-IG _bela

Photo: IG _bela



Nagparinig ang aktres na si Bela Padilla sa pamamagitan ng pag-share sa Instagram (IG) Stories ng mga art card na sagot niya sa mga isyung ibinabato sa kanya. Marami tuloy ang nagtataka kung bakit iba ang ikinikilos ng aktres nitong mga nakaraang araw.


Marami kasing negatibong sitsit ang ipinupukol sa aktres tulad ng pagiging sakit daw ng ulo ng produksiyon ng Blood Vs. Duty at ang tampuhan daw nila ni Kim Chiu dahil sa kanya.


Ito ang ilan sa mga posts ni Bela…

“Walang makakatalo sa taong pinili ng Diyos na manalo.”

Nawa’y patawarin ng Diyos ang mga taong nagtangkang sirain ako.”


Sey pa niya, “Ang paggawa ng drama sa ganitong edad ay nakakahiya. Kumita ka ng pera at maghanap ng kapayapaan.”


Ang huli, “Ang lahat ng ginagawa mo, babalik sa ‘yo. Gumawa ng mabuti, maging mabuti.”

Kaya naman, hindi mapigilan ng mga netizens na magkomento. Ito ang sey nila…

“Go, Bela! Puksain mo ang mga Mosang na nang-iintriga sa ‘yo.”


“Nah! S’ya naman ang gumawa nu’n. Sisihin ang sarili, ‘di ‘yung pa-victim.”

“Alamin kung saan ka nakatayo at sundin ang protocol. Kung ‘di kaya, gumawa ka ng sariling project, team, at company, like Coco Martin.”


“Right, pinangunahan ang production, sumbong sa big boss, pinangunahan si Kim allegedly sa pag-disclose ng personal info (pagpapa-freeze ng eggs para magkaanak pa) niya, may track record siya ng pagka-know-it-all. ‘Di magandang optics. 


“Mag-damage control s’ya sana, mag-apologize sa shortcomings n’ya para tapos na at humanga pa sa kanya ang lahat, instead nag-hanash/double down pa s’ya sa socmed (social media). Baka ma-cancel at ‘di pa siya bigyan ng mga future projects for being problematic, not a team player.”


“Remember sa ginawa n’ya kay Kimmy du’n sa interview ni Boy, very red flag ‘yun. BFF ka pa naman. May rift din daw ito kay Angge, JC, at Carlo. At ang latest about kay Baron sa show nila. Parang ayaw n’yang nasasapawan. Diyos ko.”


“May issue raw sa production ng BVD (Blood vs. Duty) primetime series, sa mga production staff, sa co-stars, sa iba pang artista outside show. I think target si Bela para maiba ang focus kasi guest star si Tito Robin P. sa BVD. Sisihin ang babae at ilihis ang lahat ng masamang istilo ng publicity.”


“As per Ogie Diaz vlog, nag-attitude raw si girl sa set ng Blood vs. Duty series at expected n’ya na s’ya ang magiging highlight sa ending scene sa ibang episodes, pero ‘di pala. Nag-post sa IG Story na she worked hard pero ‘di nangyari. Imbiyerna raw ang mga nasa production ng series dahil feeling big star at inaway pa ang staff at si Baron Geisler (na sinabihan diumano ng retarded).”





Maghihiwalay na raw, fans na-curious…

MOVIE NG DONBELLE, P25M SA 3 DAYS



Kung kailan maghihiwalay na ang love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle) ay saka naman pumatok nang husto ang kanilang pelikula.


Kumita ang Tayo Sa Wakas (TSW) ng higit sa P25 million sa loob lamang ng unang tatlong araw ng pagpapalabas nito. 


Dahil dito, tuwang-tuwa ang mga DonBelle fans at umaasa na hindi na matutuloy ang paghihiwalay ng kanilang tambalan.


Nakatulong din sa usapan ang naunang anunsiyo ng management tungkol sa pagbabago sa direksiyon ng career ng DonBelle, kaya lalo itong naging mainit na paksa sa showbiz.


Ang TSW ang pinaka-mature na proyekto ng DonBelle, na tumatalakay sa relasyon, ambisyon, at mga sakripisyong kaakibat ng pagtupad sa mga pangarap.


Kung magpapatuloy ang momentum nito sa weekend at sa international screenings sa Australia, New Zealand, United States (US), Canada, Hong Kong, at iba pang bansa, posible pang madagdagan ang kabuuang kita ng pelikula. Marami rin ang umaasang makapasok ito sa listahan ng pinakamalalaking Filipino box-office hits ng 2026.





PAMINSAN-MINSAN ay nagpo-post si John Lloyd Cruz (JLC) sa kanyang Instagram (IG) Stories, kabilang ang pagbati niya sa Tita Mean ng anak niyang si Elias ng “Happy birthday.”


Ipinost ni JLC ang mga larawan ni Elias na kuha ni Mean. 

Mensahe ng aktor, “Mga kuha ni Ate Mean. Happy birthday, Ate Mean, salamat sa pag-aalaga.”


Makikita sa mga larawan si Elias na simpleng naglalaro kasama ang ibang mga bata sa tabi ng kalsada at paminsan-minsang namumulot ng basura.


Ang tinutukoy na ‘Ate Mean’ ay ang nakatatandang kapatid ni Ellen Adarna, na siyang pangunahing tagapag-alaga ni Elias. Malapit siya sa mag-ama at madalas ding magbahagi ng kanilang bonding moments online.


Dahil dito, muling na-miss ng mga fans si John Lloyd at umaasa silang makagawa pa siya ng bagong proyekto sa telebisyon o pelikula.


May isa namang fan na nag-request ng collaboration nina John Lloyd Cruz at Julia Montes, na aniya’y magandang makita sila sa iisang proyekto mula sa magkaibang networks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page