top of page
Search
  • BULGAR

Resbak sa mga bashers niya… "ITAPON SA IBANG PLANETA ANG MGA TROLL NA BAYARAN" — KORINA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 18, 2022




Ayaw pa ring tantanan ng mga bashers si Korina Sanchez hinggil sa kanyang post kamakailan kung saan sinabi niyang pinagpala siya dahil lahat na ay nagka-COVID, siya ay hindi pa dahil tumutulong daw siya sa iba.


Matalino raw ang TV host at 'yung una niyang post na dinelete niya ay sadyang 'yun daw talaga ang nasa kanyang isipan.


May latest post na naman ang famous veteran broadcast-journalist na mukhang part 2 sa huli niyang post.


Lahat ng pumuna sa kanyang deleted post ay binuweltahan ng dating news anchor at tinawag pang mga trolls habang nagpasalamat naman siya sa mga nagtanggol at nakakaunawa sa kanya.


“So, nasaan na ang mga troll na bayaran? Napagod na ba kayo? (laughing emojis).”


Isang netizen ang nagkomento na ni-retract daw ni Korina ang nauna niyang post.


Depensa ng misis ni Mar Roxas, “I didn't retract. I just said it in a way that negatrons can't comprehend (laughing emoji).”


Komento naman ng isang IG user, hindi siya naniniwala na nagkaroon lang ng “miscalculation of words” ang broadcaster.


Resbak ni Korina sa netizen, “Ikaw din. 'Wag kang judgmental. Be humble.”


May nag-suggest naman na isang netizen na mag-post na lang daw siya ng tungkol sa kambal niyang anak na sina Pepe at Pilar. Tiyak na makakalimutan na ng mga bashers ang nangyari at mada-divert ang atensiyon ng publiko sa bibo nilang kambal na ang ku-cute.


Pero may sagot pa rin ang host ng Rated Korina.


Aniya, “Ang need kalimutan, hindi ang post ko. Dapat kalimutan at itapon sa ibang planeta ang mga TROLL na bayaran.”


May nagtanggol naman sa TV host. Bakit daw lahat na lang ng sabihin ng news anchor ay hinahaluan ng malisya ng ilang netizens.


“Baka sensitive lang sila. OR MGA TROLLS as I discover,” sey pa ni Korina.


Pagtatanggol pa ng isang IG user kay Korina, “misunderstood” lang daw ang broadcaster kaya nais muna niya itong bigyan ng benefit of the doubt sa tunay na kahulugan ng deleted post nito.


Pero ang sabi ni Korina, “Ummm… I didn't kill anyone. I just thanked (God) I've never been infected. Nothing wrong saying that.”


Hahaha! Palaban talaga ang isang Korina Sanchez.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page