Resbak sa 12-day suspension sa It's Showtime… VICE, NAGPATUTSADANG BIASED ANG MTRCB
- BULGAR
- Sep 10, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 10, 2023

MAbangers ang madlang pipol sa magiging resulta sa apela ng mga ehekutibo ng ABS-CBN sa idineklarang 12-day airing suspension ng MTRCB sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Siyempre, hoping ang madlang pipol na magkaroon ng pag-aayos on both parties.
Bagama’t may mga umaalma sa naging desisyon ng MTRCB gaya na lang ng University of the Philippines Department of Broadcast Communication.
Para sa kanila, ang naging desisyon ng MTRCB ay isang malinaw na pagpapakita ng “lack of wisdom and discernment”.
Sa isang episode ng It’s Showtime last Friday, napuna ng mga netizens na humugot nang bongga ang host ng Kapamilya noontime show na si Vice Ganda sa naging desisyon ng MTRCB.
Sabi kasi ng contestant kay Vice, hindi siya pinapayagan ng mga kapatid niyang lalaki na magkaroon ng boyfriend hangga’t wala pa siya sa edad na 25.
Pahayag ni Vice, “Kung maka-impose, akala mo naman, hindi nila ginagawa. 'Yung ‘pag iba mali, pero ‘pag kayo, hindi n’yo ginagawa?”
“Sa iba mali, pero sa inyo, puwede? Double standard,” tili pa niya.
Nasakyan naman agad ng mga netizens ang tinutumbok ng mga salita ni Vice.
“GO VICE! Fight! I don’t mind MTRCB flexing its muscles BUT do it fairly. Dami ring violations nu’ng kabila.”
“Eto ‘yung mga banat na maganda. Walang paliguy-ligoy.”
“'Pag bakla, bawal kumain ng icing???!!!!”
“Vice Ganda in her palaban era.”
Joke lang marahil ni Vice ‘yun, knows n’yo naman kung gaano ka-witty din ang inyong Meme Vice, ‘di ba?




Comments