top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

RESBAK NI OGIE KAY LIZA: SABI KO, BE GRATEFUL, 'DI KO SINABING WALA KANG UTANG NA LOOB

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2023
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 16, 2023




Punto por puntong sinagot ni Ogie Diaz ang mga naging pahayag ng dati niyang alagang si Liza Soberano sa part 2 ng exclusive interview ni Boy Abunda sa aktres sa Fast Talk with Boy Abunda.


Sa kanyang vlog na Ogie Diaz Showbiz Update with Mama Loi, Dyosa Pockoh and Ate Mrena, sumagot si Ogie and in fairness to him, wala kang makikitang galit or hinanakit sa kanya para kay Liza. Hindi rin niya siniraan ang aktres kundi nagbigay lang siya ng paglilinaw sa ilang mga pahayag ng kanyang dating alaga.


Una ngang nilinaw ni Ogie ay ang tungkol sa komisyon na sabi nga ni Liza ay 30% na lang daw ang napupunta sa kanya dahil may tax pa sa US na 10% since US citizen siya.


Hindi raw niya alam kung saan galing ang mga sinabi ni Liza na 30% kay Ogie, 20% sa kanyang Tita Jonie at 10% sa Star Magic.


Ayon kay Ogie, noong una ay talagang 30% ang kinukuha niyang komisyon kay Liza pero ‘yun ay noong panahong wala pa itong pangalan at ibini-build-up pa lang niya.


Nang sumikat daw ito ay siya na raw mismo ang nagsabi na babaan na ang komisyon niya at gawin nang 20%. So, 10% sa Star Magic kaya ang total lahat ay 30%. May 70% na natitira kay Liza.


Sa 70% naman ng halagang maiiwan kay Liza, kukunin ang komisyon ng kanyang Tita Jonie na 10%, kaya bale 7% na lang daw ‘yun at hindi 20% tulad ng sinabi ni Liza. Kaya suma-total ay 37% ang lahat ng komisyon ng mga managers at hindi 60%.


“So, kung susumahin natin, si Liza used to get 63%. Kaya hindi ko alam kung sa’n galing si Liza na 30% na lang ang nakukuha niya, na ang ending ay 15% na lang daw ang ending ng nakukuha ni Tita Jonie. Hindi totoo.


“For the longest time na magkasama kami, ‘yun ang setup namin,” ani Ogie.


“'Yung 10% ni Liza sa US, obligasyon ni Liza ‘yun sa US,” aniya.


Tungkol sa sinabi ni Liza na kasinungalingan ang mga sinasabi ni Ogie, ayon sa talent manager ay hindi rin ito totoo.


“Panoorin sana ng kampo ni Liza Soberano ‘yung mga nakaraang videos. Hindi ko siya siniraan.


Hindi rin ako nagsabi na ‘ungrateful’ ka. Ang sinabi ko lang, ‘wag tayong makakalimot. ‘Yun ang ipinapaalala ko. ‘Wag tayong magsusunog ng tulay. So, be grateful. Iba ‘yung ‘be grateful’ sa ‘wala kang utang na loob.’ Sana, pinanood mo,” sey ni Ogie kay Liza.


Ipinaalala rin ng talent manager ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari kung bakit nagkakaroon sila ng issue ngayon ni Liza. Naunang maglabas ng vlog ang aktres kung saan nga ay sinabi nito na ikinahon siya ng kanyang dating management.


“Sa totoo lang po, ‘yung statement ni Liza na ‘yun, nu’ng una, nu’ng ‘I Am Hope,’ siyempre, parang kurot sa amin ‘yun. Siyempre, kami ‘yung binabalikan ng netizen. ‘Bakit ganu’n ang ginawa n’yo kay Liza nu’ng panahon na ibini-build-up n’yo siya?’


“Siyempre, kung narrative niya ‘yun, eh, di eto, may narrative rin kami. Eto ‘yung nangyari nu’ng hawak pa namin siya,” paliwanag ni Ogie.


“Kaya ho ako sumasagot, kasi gusto ko lang linawin. Baka kasi 'pag hindi ako sumagot, it’s tantamount to admission na hayun, totoo ‘yung mga sinasabi ni Liza. 'Di ba sinasabi ko palagi, hindi ko kinokorek si Liza kasi narrative niya ‘yun. ‘Eto naman ‘yung amin,” dagdag pa niya.


Sa huli ay hiningan ni Mama Loi ng mensahe si Ogie para kay Liza.


“Unang-una, sana, lahat ng mga palabas namin dito nu’ng mga nakaraan ay napapanood mo at kung paano namin siya i-deliver para mas maramdaman mo na sincere kami du’n sa sinasabi namin na mahal kita, na ako’y nagmamalasakit sa ‘yo.


“Ako naman, ang lagi kong hiling, sana mas sumikat ka kung saan mo man gusto. Mas sumikat ka sa pinili mong management, sa pinili mong career path. Mas lampasan mo kung ano’ng nagawa namin ng Star Magic, ng ABS-CBN at ng Star Cinema. ‘Yun ang hangad ko para sa ‘yo.


“Pero ‘wag mong kakalimutan na nandito lang ako. Open ang aking communication lines, anak.


Kung kinukuwestiyon mo ang pagtawag ko sa ‘yo ng ‘anak,’ basta para sa akin, ikaw ang panganay kong anak. At lagi mong tatandaan, nandito lang ako 'pag kailangan mo ako,” ang mensahe ni Ogie kay Liza.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page