Reputasyon ng PNP, nagbalik dahil kay Gen. Eleazar
ni Ka Ambo - @Bistado | September 09, 2021
Birthday kahapon ni Mama Mary.
Nag-Holy Rosary ba kayo?
◘◘◘
ANG walang patid na dasal na nababasa sa Bibliya ay magaan na magagawa kapag nagrorosaryo.
Hindi ito simpleng doktrina, bagkus ay sinaunang agham sa pagkakalmante ng brain.
Ang dasal ay isang klase ng meditation!
◘◘◘
ANG pagrorosaryo ay hindi! nalalayo sa pag-usal ng mantra ng mga sinaunang relihiyon.
Naipapahinga nito ang isip kung saan nare-rejuvenate ang selyula ng katawan.
Nagpapasigla at nagpapakalma ng isip, puso at katawan ang mantra tulad din ng pagrorosaryo!
◘◘◘
BILYUN-BILYONG halaga ng shabu ang nasabat ng PNP sa Candelaria, Zambales.
Ayon kay PNP chief Guillermo Eleazar, aabot sa 25 sako ng epektos ang nasabat sa karagatan!
◘◘◘
MAKIKITA rito kung gaano kaepektibo ang diskarte ni Gen. Eleazar upang maibalik sa katinuan ang PNP.
Markado ang kanyang performance!
◘◘◘
KAYOD-KALABAW si Gen. Eleazar na hindi napapagod na umiikut-ikot sa mga lalawigan.
Matiyak na nagtatrabaho nang maayos ang mga pulis!
◘◘◘
NAKAKAHINAYANG ang ulat na magreretiro na si Eleazar
Sa Oktubre dahil sa mandatory age retirement.
Hinog sa karanasan si Eleazar at subok ang kanyang talino at diskarte sa pagsugpo ng kriminalidad!
◘◘◘
NAKATUTUWA na malaman na may nagrerekomenda kay Eleazar na kumandidatong senador.
Pinakamalaking tama 'yan!
◘◘◘
SA totoo lang, bukambibig ang pangalan ngayon ni Eleazar.
Mabilis kasing naibalik ang integridad at kredibilidad ng PNP dahil sa kasipagan niya sa pagtatrabaho!
◘◘◘
KUNG pag-uusapan ang popularidad at reputasyon kahit pang-VP ay puwedeng isabak si Eleazar.
Hindi trapo si Eleazar at simbolo siya ng batambatang lider na kailangan ng ating bansa!
◘◘◘
SA panahon ng modernisasyon, kailangan ng Pilipinas ang batambatang lider na nakakaunawa ng digital age.
Mabilis siyang makakaangkop at makakasabay
Sa bagong normal na hindi kayang unawain ng Mga trapo at matatandang lider ng bansa!
◘◘◘
KUNG tayo ang tatanungin, sakaling magdesisyon si Sen. Manny Pacquiao na kumandidatong pangulo, perfect tandem niya bilang vice-president si Eleazar.
Bagumbago at sariwang sariwang estilo ng liderato ang kanilang maihahahandog!
◘◘◘
ANG Pacquiao-Eleazar tandem ay epektibo sa paglilinis ng burukrasya lalo pa’t nagpasimuno si Pacquiao sa anti-corruption drive.
Orihinal na konsepto naman ni Eleazar ang internal cleansing!
◘◘◘
MAGIGING bagong motto sa kampanya — left hook kontra korupsiyon; general cleansing sa burukrasya.
Pacquiao-Eleazar sa balota.
Ano sey n'yo?





Comments