‘Rematch’ nina VP Leni at ex-Sen. Bongbong Marcos, abangan!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 30, 2021
MAYOR SARA DUTERTE-CARPIO, SA PULSE ASIA LANG MALAKAS—Kapag naglabas ng survey ang Pulse Asia ay palaging top si Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga presidentiables. Pero sa pa-survey ng Magdalo Group, si ex-Sen. Bongbong Marcos, ang nag-top, at sa social media survey naman ay si VP Leni Robredo ang nanguna at dikit na pumangalawa si ex-Sen. Marcos.
Dahil d’yan, lumalabas na sa Pulse Asia survey lang pala malakas ang anak ni P-Duterte, boom!
◘◘◘
MAS NANINIWALA ANG NETIZENS SA SURVEY SA SOCIAL MEDIA—Balik tayo sa isyung social media survey, at ang kapuna-puna ay dikit ang labanan nina VP Leni at ex-Sen. Marcos, at bagama’t pumangatlo si Yorme Isko Moreno ay kaunti lang ang nakuha niyang boto, at pumang-apat lang si Mayor Sara.
Sa totoo lang, halos wala nang naniniwala sa Pulse Asia (DDS na lang) dahil ang pinaniniwalaan ng publiko ay social media, kung sakaling kapwa tatakbo sa pagka-pangulo sina VP Leni at ex-Sen. Marcos ay nakikini-kinita na ng mamamayan na magkakaroon ng rematch ang ‘labanan’ ng dalawa, at sa pagkakataong ito, hindi na sa pagka-VP, kundi sa pagka-pangulo na ng bansa, abangan!
◘◘◘
SUNUD-SUNOD NA ANG DIPLOMATIC PROTEST NI LOCSIN LABAN SA CHINA, PERO SI P-DUTERTE ‘DEDMA’ PA RIN—Muling naghain ng diplomatic protest si DFA Sec. Teodoro “TeddyBoy” Locsin, Jr. laban sa China dahil sa walang tigil na deployment ng kanilang barko, matagal na pananatili at illegal activities sa West Philippine Sea (WPS).
Hay naku, sunud-sunod na ang paghahaing diplomatic protest laban sa China ni Sec. Locsin, pero si P-Duterte, dedma pa rin, tsk-tsk-tsk!





Comments