Relax-relax sa Bohol… DIEGO, DEDMA LANG SA AWAYAN NINA BARBIE AT DEBBIE DAHIL SA KANYA
- BULGAR
- Nov 4, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 4, 2022

Sa Tipsy Pig pala sa Timog, QC nangyari ang bardagulan nina Barbie Imperial at Debbie Garcia.
Paano ‘yan, ngayong nagdemanda na si Debbie ay suportado siya ng Viva Artists Agency kung saan siya nakakontrata.
Sino ang sumusuporta kay Barbie? Wala pa kaming nababasa na nagpahayag ng suporta sa kanya. Pati mga nakasaksi sa gulo, walang nagsasalita.
Sabagay, mabuti na ring tahimik siya para hindi madagdagan ang kanyang kaso.
Samantalang si Diego Loyzaga, chill lang na nagbabakasyon sa Bohol. Sabi ng mga fans, unbothered daw ang aktor habang sina Barbie at Debbie ay nagbardagulan at nagkademandahan pa.





Comments