Relasyon, sa Japan nag-umpisa… DOMINIC, UMAMING PANG-5 NA NIYANG GF SI BEA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 21, 2022

Marami ang nakapansin na magmula nang mag-open-up na sa publiko sina Dominic Roque at Bea Alonzo tungkol sa kanilang relasyon, isa-isa nang pumasok at nagdatingan ang offer na product endorsement sa aktor.
Uminit at bumango ang kanyang career. Mas nakilala siya ng lahat lalo na’t aktibo si Bea sa social media.
Hindi na nga itinatago nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon kaya maraming fans ang kinikilig sa kanila. Positibo ang naging imahe ni Dominic sa publiko, kaya napansin siya at naging mabentang product endorser.
Labis na ipinagpapasalamat ito ni Dominic pero hindi raw niya intensiyon na gamitin ang relasyon nila ni Bea upang sumikat lang.
Samantala, sa vlog ng kaibigan ni Dominic Roque na si Congressman Bong Suntay, natanong ang aktor kung pang-ilan si Bea sa mga naging GF niya.
Nagpakatotoo naman si Dominic nang sabihing pang-lima si Bea sa mga nakarelasyon niya. Matagal na raw niyang crush ang aktres, hindi lang niya magawang ligawan noon dahil nai- intimidate siya. Sikat na sikat kasi si Bea.
Si Vice Ganda raw ang nagbuking kay Bea na type niya ito at si Vice rin ang pormal na nagpakilala sa kanya kay Bea.
Memorable kay Dominic ang Japan trip nila ni Bea last 2019 dahil dito niya naramdaman na may pag-asa siya sa aktres. Pero, ang isine-celebrate nilang anniversary ay January 28, 2021. Du’n ay naging formal na silang magkasintahan.





Comments