Relasyon nila, itago raw dahil kay David… BARBIE SA FANS: 'WAG N'YONG IDAMAY SI JAK!
- BULGAR
- Feb 21, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 21, 2023

Nakikiusap ang kampo ng Kapuso actress na si Barbie Forteza sa mga fans na sana, huwag idadamay ang private life o love life ng aktres sa kanilang pagsuporta rito.
Off-cam ay deserve naman ni Barbie ang magkaroon ng love life. At hindi naman itinatago nina Barbie at Jak Roberto ang kanilang relasyon.
Pero ngayon nga na nagklik ang tambalang FiLay (Fidel-Klay) na nabuo sa seryeng Maria Clara at Ibarra, gusto ng mga fans na sina Barbie at David Licauco ang makitang laging magkasama.
Kaya request ng FiLay fans ay itago muna ni Barbie ang BF niyang si Jak Roberto upang hindi makagulo sa kanilang love team ni David.
Well, wala namang problema kay Jak dahil naiintindihan niya ang sitwasyon ni Barbie.
Hindi naman ipagdadamot ni Jak sa FiLay fans si Barbie. Supportive siya sa career ng GF.
Kung anumang makakabuti para sa FiLay love team ay hindi siya hahadlang. Hangad din ni Jak Roberto na umangat nang husto ang career ni Barbie. At hindi naman nagbabago ang magandang relasyon nila ng nobya.





Comments