RELASYON NI JOSHUA AT NG ATENISTANG BASKETBALL PLAYER, BUKING NA GIMIK LANG
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 8, 2022

Mukhang nakiki-ride on ang kaibigan ni Kathryn Bernardo na si Trina Guytingco, ang sinasabing 'mysterious girl' ng aktor na si Joshua Garcia.
Nag-post kasi ang Atenistang basketball player sa kanyang Instagram account ng kanyang selfie photo na naka-sign of peace.
Nagkomento naman si Joshua ng "Nice shot!"
Agad nag-reply si girl, "Thanks, rumored boyfriend."
"You're welcome," ang sagot ni Joshua.
May mga kinilig na netizens sa paandar ng dalawang personalidad.
Sey naman ng ibang netizens, "Si girl talaga ang gumawa ng move para mapag-usapan uli sila."
"I'm glad they're laughing about this whole issue, lol."
"'Yung girl, parang ine-enjoy 'yung 15 minutes of fame niya sa mga pa-ganyang comment. Siya talaga nagpapaalala."
"My gosh, why so negative? Don't you banter with your friends?"
"Basketball player si ate at nag-aaral sa isang kilalang university. Hindi niya kailangan magpapansin para maging successful sa career niya."
Mukha namang may problema ang isang commenter, "Feeling naman nila, usap-usapan sila ng buong mundo."
"Feel na feel naman. Nu'ng una, poging-pogi ako kay Joshua, ngayon, biglang naging cheap ang dating niya."
"Mukhang tropa lang talaga sila. Pero if sila, ok din, both are single."
"Mahilig si Joshua sa mga magaganda, so I doubt na girlfriend niya 'yan."
Pinansin naman ng isang commenter ang sinabing 'rumored boyfriend' ni Trina.
Aniya, "Sus, sabi din ni Ria (Atayde) 'yan, pweh... gaya-gaya lang, baka gusto ring mag-showbiz."
"Marites ang nag-umpisa, ngayong pinatulan kayo, asar kayo?"
Tanong naman ng isa, "Bakit nice shot? Siguro, si Joshua nag-take ng photo."





Comments