top of page
Search
  • BULGAR

Relasyon ng bagitong opisyal ng gobyerno at sikat na mayor, buking!

ni Chit Luna - @Yari Ka! | February 9, 2021


Isang malaking eskandalo ang kinasasangkutan ng dalawang prominenteng opisyal ng gobyerno.


Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang malapit na kaibigan ng sikat na “LGU leader” sa Luzon ang nagsiwalat nang nakakasukang relasyon niya sa bagitong mambabatas.


Ang siste, hindi siya makabitaw sa baklang opisyal ng gobyerno dahil sa laki nang nagawang pabor nito. Wala siya kasalukuyang puwesto kung hindi siya binuhusan ng pondo nito.


Bagama’t minsan nang naging tampulan ng bulung-bulungan noong araw ang pagiging malapit nito sa mga bading, hindi akalain ng ating insider na magagawa nitong makatisod ng ginto sa kabila pa ng pag-edad nito.


Kung noon ay masaya na siya sa P500 kada booking, ngayon ay bonggang-bongga ang kanyang demand sa bading na makakakursunada sa kanya.


Sa ating pangangalkal ng madilim na yugto sa buhay ng nasabing alkalde, hindi sinasadyang naibulalas ng isa pa nating kaututang dila sa industriya ang dating kaugnayan nito sa business tycoon na may-ari na ngayon ng broadcast media company.


Aniya, matagal din umano ang naging relasyon ng dalawa. Sa katunayan, ito pa ang nagpaaral sa kanya, sumuporta sa pamilya, nagbigay-luho at iba pang lambing niya. Ibang klase!


Pero mas pinili ni mayor na talikuran ang sikat na negosyante at maging kabit ng baklang mambabatas dahil sa tayog ng pangarap nito — ang maging makamit ang powerful at pinag-aagawang ‘upuan’. Pero batid niyang hindi pa mangyayari iyon sa 2022 kaya naman okay lang sa kanyang maging running mate na muna ng kagalang-galang na bading sa general elections na nakatakdang ganapin sa susunod na taon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page