Relasyon, inilantad na ng TV host… NETIZENS KAY MARC: 'WAG KANG SUSUKO KAY KRIS!
ni Julie Bonifacio @Winner | May 20, 2023

Samu't sari ang reaksiyon ng mga followers ni Kris Aquino sa kanyang Instagram pagkatapos niyang aminin ang relasyon nila ni Batangas Vice-Governor Marc Leviste.
May mga kinilig at meron ding mga fans ni Kris na natuwa dahil hindi raw bumibitaw at napapagod na alagaan ng vice-gov. ang Queen of All Media.
At lalong nadagdagan pa ito nang maglagay ng kanyang reaksiyon si VG Marc sa comment section ng IG post ni Kris.
Simpleng "100% (yellow heart icon)" ang inilagay na reaksiyon ni Marc sa naturang post, at nagpakita ng suporta ang mga followers ni Kris sa kanyang bagong boyfriend.
"@markleviste, No matter how long it takes, true love is always worth the wait!"
"@markleviste, KINIKILIG AKOOOO!"
"@markleviste, Nakakataba sa puso! Nakakahanga ka, Sir! Hindi kagaya sa iba riyan, parang hindi tunay na lalaki! Hats-off, Sir!"
"@markleviste, 'Wag susuko, Sir!"
"@markleviste, Please keep on loving Kris! Praying for her!"
Maging si Kris ay nag-post ng kanyang reply sa naging komento ng boyfriend niyang si Vice-Gov. Marc.
"@markleviste, thank you. For being here," pasasalamat ni Kris sa BF niya.
So, 'yun na nga!





Comments