Relasyon, inamin din sa concert... JULIE ANNE AT RAYVER, GAYA-GAYA KINA NADINE AT JAMES
ni Nitz Miralles - @Bida | November 28, 2022

Hindi namin alam kung matatawag na relationship reveal ang pag-a-“I love you” sa isa't isa nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa naganap sa kanilang JulieVerse concert last Saturday sa Newport Performing Arts Theater.
Si Rayver ang unang nag-“I love you” nang sa harap ng kanilang fans, ipinaalam niyang muli ang feelings niya kay Julie. In fairness to him, lagi niya itong sinasabi sa mga interviews sa kanya.
“Naalala mo nu'ng birthday mo? Sinabi ko naman sa 'yo kung ano'ng nararamdaman ko...
Gusto ko lang ding iparinig sa kanila, Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much.”
Nagulat, pero kinilig ang JulieVer fans sa sagot ni Julie sa pahayag ni Rayver dahil first time niyang inaming mahal ang aktor.
“Ang dami nang nagbago sa buhay ko simula nang dumating ka kaya gusto kong sabihin, I love you too,” na ikinagulat ni Rayver, napaigtad sabay sabing, “Let’s go. We need the championship tomorrow."
Dagdag pa ni Julie, sobrang grateful siya na dumating si Rayver sa buhay niya.
Sobrang kinilig din ang mga fans, nagsigawan at may mga tumalon pa sa sobrang tuwa. Hindi nila ini-expect ang ganu’ng eksena at ang tanong nila, after last Saturday, matatawag na bang magdyowa sina Julie at Rayver?
May mga bitter fans lang, kesyo walang originality sina Julie at Rayver, ginaya raw sina James Reid at Nadine Lustre dati na sa concert din kinumpirma ang kanilang relasyon.
Pero, maling sabihing pang-promo ang pag-a-“I love you” ng dalawa dahil tapos na ang kanilang concert. Tama ang isang fan, maging masaya na lang para kina Julie at Rayver.
Saka, hindi si Julie ang unang nag-I love you dahil kung napanood ng mga bitter fans ang full video ng portion na ‘yun, si Rayver ang unang nagsabi at sumagot lang si Julie.





Comments