Relasyon, inaayos pa... BEA AT DOM, NAG-UUSAP AT NAGKIKITA NA RAW ULI
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 23, 2024

Photo: Bea Alonzo / Fb
Maugong ang balitang nag-uusap at nagkikita na uli sina Bea Alonzo at Dominic Roque upang ayusin ang problema ng kanilang relasyon.
Maliwanag naman na kinansela na ang plano nilang pagpapakasal kaya isinauli ni Bea ang engagement ring na bigay ni Dominic. Pero, hindi naman nila kinumpirma sa publiko kung tapos na ang kanilang relasyon. Marami raw silang dapat ayusin at pag-usapan.
Itinanggi rin ni Dominic sa inilabas niyang official statement ang tungkol sa prenup agreement. Wala raw ganu’ng kondisyon ang pamilya ni Bea Alonzo.
Sa ngayon ay binalikan ni Dominic ang mga bagay na dati niyang ginagawa tulad ng pagsali sa mga events ng mga motorcycle riders. Sasali si Dominic sa 2024 Boss IronMan Motorcycle Challenge Luzon na gagawin ngayong February 23-24.
Marami sa mga kaibigang artista ni Dominic ang nagbigay ng moral support sa kanyang pinagdaraanan ngayon.
Payo naman ng ilang fans ay tama ang ginagawa ng aktor na abala sa ibang bagay at hindi lang kay Bea umiikot ang kanyang mundo. Ngayon dapat patunayan ni Dominic na makakatayo siya on his own merits at hindi nakasandal kay Bea.
Aabangan ng mga netizens ang mga susunod na updates sa BeaDom romance.
Sana lang, sila na mismo ang mag-share sa publiko kung may mga pagbabagong mangyayari, para hindi nila sisihin ang media.





TUNAY NA URGENT EFFECTIVE SPELL CASTER UPANG TUMULONG IBALIW ANG EX LOVER AT ILIGTAS ANG KASAL
Kumusta sa lahat ang aking pangalan Rosalba ay labis na nalulula sa kagalakan, lahat salamat kay Dr.GURU. Iniwan ako ng aking asawa para sa ibang babae ilang taon na ang nakalipas at labis akong nalungkot dahil wala akong ginawang masama sa kanya, naiwan ako sa aking dalawang anak at isang trabahong maliit ang suweldo. Muntik na akong sumuko hanggang sa makakita ako ng testimonya online tungkol kay Dr.GURU kung paano siya nakatulong sa maraming tao, kaya nakakagulat na nakipag-ugnayan ako sa kanya 24 oras pagkatapos kong gawin ang ipinagagawa sa akin ng doktor ay bumalik ang aking asawa kinabukasan pagkatapos ng spell na nagmamakaawa…