top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Relasyon, 'di rin daw tumagal… BARBIE, UMAMING NAGING BF SI KIKO PERO 'DI FRIENDS AFTER MAG-BREAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 13, 2022




Na-hot seat si Barbie Forteza nang sumailalim sa lie detector set nang tanungin ni Bea Alonzo sa kanyang career, love life at iba pang personal na bagay.


May nabanggit si Barbie na may kinainisan siyang artista na nakatrabaho niya sa huli niyang show na Mano Po: Family Fortune. Pati si Bea, na-curious kung sino ang artistang ‘yun.


Inamin na rin finally ni Barbie na nagkaroon sila ng relasyon ni Kiko Estrada na nakasama niya sa That’s My Amboy. Hindi nagtagal ang relasyong ‘yun at hindi rin maganda ang kanilang breakup, kaya hindi na sila friends hanggang ngayon.


Matagal bago naamin ni Barbie na nagka-crush siya kay Andre Paras na nakasama rin niya sa That’s My Amboy. Hindi ‘yun natuloy sa ligawan dahil si Kiko ang nanligaw sa kanya, pero natapos din agad ang relasyon at isang date lang yata sila.


Inamin ni Barbie, pero hindi pinangalanan ang pinagselosang nakatrabaho ng boyfriend niyang si Jak Roberto.


“Hindi ako nagseselos 'pagka kunwari ‘yung mga kissing scenes, mga intimate scenes, kasi eksena. Nagseselos ako 'pag nagkakayayaan lumabas, outside work.”


Anyway, si Dennis Trillo ang sunod na makakatrabaho ni Barbie sa Maria Clara at Ibarra kung saan gaganap siya bilang si Maria Clara sa new generation at si Dennis ay si Crisostomo Ibarra/Simoun.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page