top of page
Pokwang.jpg

Relasyon, 1 year lang daw tumagal… FINAL ANSWER: ANDREA, BINURA NA ANG MGA PIKTYUR NI DEREK SA IG

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 18, 2020




Maraming nagulat at nanghinayang nang sumabog ang balitang break na raw ang Kapuso stars na sina Andrea Torres at Derek Ramsay.


Tahimik at walang sinuman sa kanila ang nagkumpirma na totoo ang balita na split na sila. May nagsasabing baka gimmick lang ng magkasintahan ang lahat. Pero, ang pinagbasehan naman ng mga netizens ay ang pagbura ni Andrea sa mga larawan nila ni Derek sa kanyang Instagram account, although si Derek ay pina-follow pa rin si Andrea sa social media account nito.


Ilang kaibigan nina Andrea at Derek ang nagsasabing nagkaroon ng matinding away ang magkasintahan kaya humantong sa paghihiwalay.


May nagsasabi naman na ang hindi pagpayag ni Andrea na makipag-live-in kay Derek ang dahilan ng kanilang pagtatalo.


Matatandaan na ang mga naunang karelasyon ni Derek na sina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban at Joanne Villablanca ay pare-parehong naka-live-in ng aktor.


Si Solenn, 4 years nakarelasyon ni Derek, 5 or 6 years naman silang tumagal ni Angelica, habang si Joanne ay 5 years din bago sila nagkahiwalay.


Pero ang relasyon nina Derek at Andrea ay isang taon pa lang last September 28, 2020.

Kaya naman, umaasa ang mga AnDrek fans na tampuhan lang ang naganap at muling magkakabati sina Andrea at Derek.


Mahal naman nila ang isa't isa. For sure, hindi nila matitiis na hindi magkita at magkaayos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page