Reklamo sa nabiling karne sa S&R, ipinost sa IG…RESBAK NG NETIZEN: JENNYLYN, KSP LANG!
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 30, 2022

Tinawagan ng pansin ni Jennylyn Mercado ang wholesale supermarket dahil sa nabili niyang karne na tila ‘ilado’ na.
Ipinost ng aktres ang larawan ng karne sa kanyang IG Stories kagabi at ang caption ay, “Hello @snr_official quick question lang po bago namin lutuin, safe pa rin ba kahit ganito ichura (hitsura) ng meat n’yo???”
Wala pa kaming nakitang sagot mula sa panig ng SnR pero maraming netizens ang pumuna kay Jennylyn dahil idinaan niya ito sa social media gayung maaari naman daw niyang tawagan in private ang supermarket.
Ang ilan sa mga nabasa namin:
“Oh, no! Kaya pala mas mura sa SNR, sabi nila."
“Pansin ko lang, mula nang na-publicize na same sila ng may-ari ng Puregold, eh, bumaba na ang quality nila. Ang dami na nilang local stuff doon. Nagmukhang ordinary grocery na.
At 'yung garlic shrimp pizza nila, ang konti na ng shrimp. Dati siksik 'yun. Mas lumalakas na ngayon 'yung kalaban nila.
“So, bakit nila binili? Check muna kasi. 'Di lang lagay nang lagay sa cart."
“Dapat ipakita mo kung saan mo nabili at nandu'n ‘yung SNR saka resibo. Baka mademanda ka n’yan. Tapos, bakit hindi mo ireklamo na lang muna sa SNR mismo? Bakit i-social media agad? Gagawa pa sila ng official statement.
“When it comes to food, when in doubt, throw it away.
“You should not have bought that kind of meat in da first place, Jennylyn, baka inilagay n'yo sa freezer after n'yong nabili at nanggaling na 'yan sa freezer originally.
“Kelan 'yan binili, Ma'am Jen? Kung mag-grocery kayo, ilang pushcart hila-hila n'yo? Baka naman one month na 'yan sa fridge n'yo, ano po?"
“Baka ganu'n baks ang nangyari, they bought it, then put inside the freezer not knowing na galing na sa freezer which is a no-no. Dapat iniluto na lang nila agad. I always ask the seller if their products I am buying are fresh ('coz I want to put it in the freezer as stock) or been in the freezer, para alam ko."
“Eww, NO! Ang malinis na karne, dapat deep red ang kulay, tapos walang grayish or brownish sa side.
“Bakit naman niya in-accept? I guess grocery delivery 'yan kaya hindi siya mismo ang pumili. Pero puwedeng-puwede naman 'yang ireklamo without social media. Reason niya, hindi mukhang fresh, end of story! I think ginagawa talaga 'to ng celeb para umingay ang pangalan nila for a day or 2.
“Naka-pack na 'yan with cling wrap. 'Wag sisihin si Jen. Naging honest lang naman din siya.”
Marami pang sumunod na komento rito na hindi na namin iisa-isahin pa dahil kulang sa espasyo.
Bukas ang BULGAR sa panig ng SnR.





Comments