top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

REGINE, UMAMING NAHIRAPAN SA DUET NILA NI MORISSETTE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 7, 2023




Aminado si Regine Velasquez na nahirapan siya sa duet nila ni Morissette Amon para sa awiting Gusto Ko Nang Bumitaw.


Sa isang episode ng Magandang Buhay, naibahagi niya na kinabahan siya sa naturang performance nila dahil hindi siya sigurado kung kakayanin niyang makipagsabayan sa Asia's Phoenix.


Nakalimutan daw niyang sabihin sa banda na babaan ang key dahil sa tingin niya ay mahihirapan siya dahil na rin sa kanyang edad.


Pero dahil nga the show must go on, may agam-agam mang namumutawi sa kanyang isipan ay itinuloy niya ang pagkanta. Pero, pag-amin niya ay nahirapan siya.


Nangyari ang duet nina Regine at Morissette sa ASAP Natin 'To.


“Nakalimutan kong sabihin. So, kumakanta na ako, in the middle of Gusto Ko Nang Bumitaw, 'Aabot ba ako?'” ani Regine.


Kinabahan man ay itinuloy na rin daw ng Asia's Songbird ang pagkanta at kahit marami ang pumuri sa kanyang pangmalakasang birit, inamin niyang nahirapan siya.


“Pero hirap ako, sa totoo lang.”


Last year pa nangyari na nag-duet ang Asia's Songbird at Asia's Phoenix ng kantang GKNB pero nito lang niya inamin na nahirapan pala siyang sabayan si Morissette.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page