Regine, balik uli… JUDAY, BABU NA SA MAGANDANG BUHAY
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 28, 2022

Unforgettable para kay Judy Ann Santos ang naging hosting stint niya sa morning talk show ng ABS-CBN na Magandang Buhay. Kaya, naging emosyonal si Juday when it’s time for her to say goodbye sa show.
Sinabi ni Juday na mami-miss niya ang Magandang Buhay based sa naka-post sa Instagram account ng morning show.
“Mami-miss ko ito. Mami-miss ko silang lahat. Pero more than anything, grateful talaga ako sa tiwalang ibinigay ng ABS-CBN sa akin. At sa lahat ng mga momshies na nanood at tumutok, maraming-maraming salamat po,” pahayag ni Juday.
Thankful si Juday sa pagiging guest co-host niya sa Magandang Buhay.
Ayon pa sa TV host, “Sa totoo lang, nu'ng tinanong nila ako kung puwede akong mag-guest co-host, nandoon naman talaga 'yung initial reaction na excited ako, pero mas nangibabaw 'yung nerbiyos.
“Kasi parang ilang taon na akong hindi nagla-live show. Tapos, hindi rin naman talaga ako host.
Though nagge-guest ako sa Magandang Buhay, iba kasi 'yung guest, iba 'yung host ka. So, alam kong iba 'yung responsibility na ‘yun.”
Napaka-welcoming daw ng lahat ng involved sa MB mula sa mga momshies na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
“Napakakomportable ng stint ko rito sa Magandang Buhay. Ang sarap makipag-usap sa mga guests. Ang saya ng set. Ang gaan ng trabaho. Ang tagal ko nang hindi lumalabas sa TV at ang bilis kong kumalma. Ang bilis nila akong naalalayan. Hindi ako pinabayaan ni Melai (Cantiveros), hindi ako pinabayaan ng staff, ni Jolina (Magdangal),” sabi pa ni Juday.
Naging magaan din daw ang kanyang pagtatrabaho sa show.
“Ang sarap magtrabaho kung 'yung setting ay ganito, 'yung masaya lang, walang stress.
Gusto mo talagang pumasok kasi alam mong uuwi ka nang nakangiti. 'Yung alam mong pagod ka pero ang saya mo, napagod ka sa kakatawa. Parang minsan lang kasing mangyari 'yun, madalas kasi, napapagod ako sa pag-iyak, eh.”
Sa pag-alis ni Juday as guest host sa Magandang Buhay, babalik naman si Asia’s Songbird Regine Velasquez para makasama sina Momshie Jolens and Momshie Melai.





Comments