Red tape, wakasan — Zubiri

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 21, 2023

Pagwawakas sa red tape ang sinabing solusyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri noong Biyernes tungkol sa pagpapaunlad ng industriya ng renewable energy sa bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Sinabi ni Zubiri na ang red tape ang isang malaking balakid kaya lumalayo ang mga investors sa 'Pinas.
Sa pamamagitan ng pag-invest sa renewable power generation, maaari umanong bumaba ang presyo ng bawat kilowatt-oras (kWh) ng kuryente sa P5, o higit pa sa 50 porsiyento mula sa karaniwang presyo na P11 bawat kWh noong nakaraang buwan.
“But we have to address red tape that has been discouraging businesses from setting up renewable energy ventures,” sabi ni Zubiri sa isang panayam.
“I have been talking to several businessmen and investors, and this is their common answer: They are frustrated with the bureaucratic red tape,” aniya.
Dagdag niya, ang mga concerned agency ay dapat maging mas proaktibo sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business Act, na inaprubahan ng Kongreso para wakasan ang red tape.





Comments