top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Red Queen, nagpahanga matikas sa Rating Based

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 31, 2023


Pinahanga ni Red Queen ang mga sumuporta sa kanya matapos masilayan ang tikas nito nang manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Hinawakan ni Red Queen ang unahan subalit nilutsa siya ni Success Of Times hindi naman nagpadaig ang winning horse kaya nanalo ito ng may apat na kabayong agwat sa pumangalawang Bushido Code.


Papasok ng huling kurbada ay kumalas na sa unahan si Red Queen kaya mag-isa na lang ito sa unahan sa rektahan.


Nirendahan ni jockey Pabs Cabalejo, inirehistro ni Red Queen ang tiyempong 1:27.6 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si PD Mendoza ang P10,000 added prize. Tumersero si Chocolate Thunder, pang-apat si Money For Gabriel habang pang-lima si Bocaue Rivertown sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, nagpakitang gilas din si My Dear Magnolia matapos manalo sa isa pang PHILRACOM - RBHS na pinakawalan sa pangatlong karera.


Sinakyan ni Conrad Henson, inilista ni My Dear Magnolia ang 1:30.2 minuto sa 1,400 meter race, pumangalawa si Sagitsit, tersero si Kenkenrarabell habang pumang-apat si Chesapeake Bay.


Nakatanggap din ang winning horse owner na si NM Magno ang P10,000 karagdagang premyo.


May 10 karera ang pinasibat ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya naging masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page