Ready na raw sila ng mister… ARA, BOY ANG GUSTONG MAGING ANAK
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 20, 2023

Super busy ngayon si Ara Mina sa kanyang showbiz career at mga negosyo. Freelancer siya at napapanood sa iba't ibang TV networks.
Ngayon ay muli siyang magbabalik sa GMA Network at papasok sa primetime series na Lovers & Liars na pinagbibidahan ni Claudine Barretto.
Kontrabida ang role ni Ara Mina sa serye at excited siya sa mga eksenang gagawin niya.
Sa bawat artista na kanyang nakakasama sa pelikula ay marami raw natututunan si Ara Mina.
Well, busy man si Ara sa kanyang career, nakaplano na ang baby project nila ng kanyang mister na si Dave Almarinez. Next year, 2024, gusto na nilang magkaanak at baby boy ang gusto nila.
Ngayong aktibong muli si Ara, plano rin niyang tumanggap ng movie. Kaya may nagtanong kung willing ba siyang makatrabaho-makapareha ang sinuman sa kanyang mga ex-BF.
Sey ni Ara, puwede raw basta walang kissing scenes. Bale respeto na rin sa kanyang mister na napakabait at supportive sa kanyang career.





Comments