Ready na raw manganak… JESSY, ISANG APARADOR ANG DALA SA OSPITAL
- BULGAR
- Dec 28, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | December 28, 2022

Nasa vlog ni Jessy Mendiola ang paghahanda niya sa kanyang panganganak tulad ng pag-eempake ng mga dadalhin niya sa pagpasok sa hospital. Ang daming dadalhin na gamit ni Jessy, handang-handa talaga!
“We kept procrastinating but we realized kailangan talagang gawin ito. Oo na, medyo OA na ako pagdating sa dami ng dala. Pero mas ok nang sobra kesa kulang. Pagbigyan n'yo na 'ko, it’s my first time. Para sa mga parents-to-be gaya namin ni Howhow, I really recommend packing your hospital bags early... para handang-handa na talaga! Expectant moms/dads watch my newest vlog episode for more tips and recos on my YouTube channel.”
Marami ang naka-relate kay Jessy dahil ganu'n din daw sila noong first time nilang manganak, kaya walang dapat ipag-sorry ang misis ni Luis Manzano. Pero, biniro siyang isang aparador na ang dala niya.
May post si Jessy ng malaki niyang tiyan at may nag-comment na siya lang ang buntis na sobrang kinis ang tummy, walang kahit anong bakas ng guhit na totoo naman dahil ang kinis nga ng tiyan ni Jessy.





Comments