RAYVER KAY JULIE ANNE: IKAW ANG PINAKAMAGANDANG BLESSING NA NATANGGAP KO
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 22, 2023

Hindi matapus-tapos ang palitan ng “I love you” sa pagitan ng birthday boy na si Rayver Cruz, na nag-celebrate ng kanyang 34th birthday noong Huwebes (July 20) at ng girlfriend niya na si Julie Anne San Jose.
Para sa Limitless Star, ang actor- TV host ang nakakapagbigay ng ligaya sa kanyang puso. Kaya’t ang hirit ng singer kay Rayver, “I love you.”
“I love you” rin ang isinagot ng birthday boy sa kanyang girlfriend.
Ipinost ni Julie Anne sa kanyang Instagram ang heartfelt message para sa kaarawan ng boyfriend na si Rayver, “You are simply amazing in the greatest ways I can ever imagine and I’m so proud of you. The love and friendship we share, your willingness to walk through life with me, and the joy you bring to many are only few of the things I consider blessings because you are a beaming ray of light that makes everything a whole lot better. Today is extra special and we’re celebrating you. Happiest birthday to the man who makes my heart the happiest! May God grant you your heart’s desires and unlimited blissful days yet to come. I love you, @rayvercruz,”
Ang reply ni Rayver, “Ikaw ang pinakamagandang blessing na natanggap ko sa buhay ko. I love you so much, my Love. Thank youuuu!”
Oh, ‘di ba, nakakakilig ang pagmamahalan ng dalawa. Eh, kailan naman kaya magpo-propose si Rayver sa kanyang “love of his life”?
Sana, in the near future na. Tutal naman, sinabi na noon pa ng aktor na handa na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya.





Comments