top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Rayver, bangag daw, nagsalita na

BULGAR
Mar 17, 2024
2 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 17, 2024




Marami ang na-offend sa ikinilos ng aktor na si Rayver Cruz sa live stream kasama ang kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose.


May mga netizens pa ang nagsabi at nakapansing hindi raw normal ang kakulitan nito dahil bangag daw ang aktor.


Agad namang winakasan ni Rayver ang mga kumakalat na isyu at nag-post sa X ng kanyang paliwanag.


Saad ni Rayver, "Sa mga na-offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I'm with my love. She knows that, she knows me. I don't usually speak up pero ibang usapan na ang accusations."


May iba kasing mga Mosang na inakusahan ang aktor na gumagamit daw ito at dapat maging aktibo ang GMA Network sa pagpapa-drug test sa kanilang mga artists.


"Una, hinding-hindi ko kayang saktan si Julie. My mom raised me right. Hinawakan ko 'yung [buhok niya] na lagi kong ginagawa sa mga iba pa [naming] videos ['pag] magkasama kami pero kung iba po ang dating sa ibang tao, wala na po akong magagawa ru'n,” dagdag pa ng aktor.


“I respect Julie sobra-sobra and sobra ko s'yang mahal, pati ang family n'ya. Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga katrabaho ko. Hinding-hindi ako gagawa ng makakasira ru'n. At sana, matuto na rin [tayong] rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and goodnight!" pagtatapos ni Rayver.


Inulan naman ng samu't saring komento ang post na ito ng aktor, marami pa rin ang hindi kumbinsido sa paghingi nito ng dispensa at nag-advise na dapat mas maging maingat sa mga ikinikilos ang aktor.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page