RAYVER, AMINADONG MADATUNG NA, JULIE ANNE, KERI NANG PAKASALAN
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 16, 2024

Aminado si Rayver Cruz na napag-iisipan na niya ang gagawing proposal para sa girlfriend na si Julie Anne San Jose dahil sure na sure na siya na ang aktres na ang babaeng gusto niyang mapangasawa.
“At kung itatanong n’yo po kung kailan ako magpapakasal, mas gugustuhin ko naman po na ma-surprise si Julie. Baka mas una n'yo pa pong malaman,” sey ni Rayver sa panayam ng entertainment press sa grand mediacon ng Asawa ng Asawa Ko.
“Kailangan caught off-guard siya. Gusto ko, ako ang pipili ng tamang oras. Gusto ko na ma-surprise siya,” sey pa ng aktor.
Ayon pa kay Rayver, sobrang happy niya sa relasyon nila ng GF.
“Ibang level, sobrang secure, sobrang happy and kitang-kita naman kung gaano ko siya kamahal. In God’s perfect time,” aniya.
Inamin nga rin ng aktor na may savings na rin naman siya at naghihintay na lang ng tamang panahon para sa proposal.
“Thirty-four na rin naman ako and I’m not getting any younger. And for me, si Julie na talaga ang gusto kong makasama habambuhay,” he said.
Samantala, nagsimula na ang Asawa ng Asawa Ko kahapon, January 15, sa GMA Telebabad.
Kasama ni Rayver dito sina Jasmine Curtis-Smith at Liezel Lopez bilang kanyang leading ladies.
Kasama rin sa cast sina Gina Alajar, Mariz Ricketts, Ina Feleo, Martin del Rosario, Joem Bascon at marami pang iba.





Comments