top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

RAYMOND, 'DI TANGGAP NA BADING, SINIRA ANG BUHAY

BULGAR
Jun 15, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 15, 2022



Hindi pala naging madali para kay Raymond Gutierrez ang naging pagtatago niya noon na isa siyang miyembro ng LGBTQ community.


Sa kanyang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ng kakambal ni Richard Gutierrez ang kanyang journey na pinagdaanan bago siya nag-out sa publiko last year.


"Noong bata pa lang kami, talagang na-feel ko na na iba ako. Iba 'yung mga hilig ko kay Chard, iba 'yung mga gusto kong gawin and iba 'yung barkada namin. Iba 'yung personality namin," kuwento ni Raymond.


Nang maging matinee idol si Richard ay lalo raw niyang naramdaman na talagang magkaiba sila.


“Noong panahon ko, kapag gay ka, ibig sabihin, komedyante ka, sidekick ka, best friend ka, pero hindi ikaw 'yung bida,” aniya.


Inamin din ni Raymond na nagkaroon siya ng depresyon dahil na rin sa hirap na dinaanan.


“I have to be honest, medyo na-bully din ako dati ng mga older generation, you know, TV hosts and actors. Minsan nga, dati takot akong pumasok sa mga dressing room kasi sasabihin nila ‘Ay, 'di ba 'yan 'yung baklang kakambal ni Richard?' I think the industry also makes it difficult for celebrities to come out,” he said.


Dahil dito ay naging outlet niya ang alcohol at paggimik.


"I turned to alcohol and partying, and being self-destructive kasi hindi ko alam how to come to terms with it. Noong time na 'yun, I didn't know that it was depression," aniya.


Hanggang sa natutunan daw niya how to open up to others at tanggapin ang kanyang sarili.


"There came a point na na-realize ko na walang magse-save sa akin kundi sarili ko,” he said.

Kaya nagsimula muna siyang mag-out sa mga close friends at nagulat daw siya dahil sobrang supportive ng mga ito. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nag-out, pati sa kanyang pamilya, na tinanggap din siya nang buung-buo.


"I felt free," sabi niya.


Inamin din ni Raymond na masaya siya ngayon sa kanyang love life.


“He’s a private person, he’s based in LA (Los Angeles),” paglalarawan ni Raymond sa kanyang dyowa.


“I’m happy,” sambit pa niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page