top of page

Raymart, irereklamo sa VAWC… CLAUDINE: HINDI KA TALAGA TITIGIL HANGGA’T ‘DI MO ‘KO MABALIW O MAPATAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 26
  • 4 min read

Updated: Jan 27

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 26, 2026



Raymart Santiago at Claudine Barretto - FB IG

Photo: Raymart Santiago at Claudine Barretto - FB IG



Naalarma ang maraming fans at netizens sa mga binitiwang pahayag ni Claudine Barretto sa kanyang Facebook livestream nu’ng Sabado nang gabi.


Sa simula pa lang ng kanyang livestream, halata nang nagpipigil sa galit ang aktres, at naintindihan lang ito ng mga nanonood sa kanya nang sabihin niyang kinidnap ang kanyang mga anak ng isang pinangalanan niyang “Maria Solita Acap” a.k.a. Marisol.


Ang babaeng tinutukoy ni Claudine ay ang kanyang personal assistant (PA) na binigyan niya ng ultimatum na dapat sa loob ng 15 minutes ay naiuwi na sa bahay ang kanyang mga anak na sina Sabina, Quia at Noah.


Binanggit din ng aktres na nagpasaklolo na siya sa NBI na naghihintay sa kanyang bahay sa pag-uwi ni Marisol kasama ang tatlo niyang anak.


Bukod kay Marisol, may binanggit din si Claudine na grupo ng mga fans niya na akala niya ay loyal sa kanya pero sinisiraan daw siya at ginagamit pa ang kanyang pangalan para makapanghingi ng pera sa ibang fans.  


At kahit hindi tuwirang tinukoy ni Claudine ang pangalan ng dating mister na si Raymart Santiago, obyus naman sa mabibigat na pahayag na binitiwan niya ang pagkakakilanlan ng aktor.


Mariing sabi ni Clau, "And you, you know who you are! Hindi ka talaga titigil hangga't 'di mo 'ko mabaliw o mapatay. 


"NANAY AKO NG MGA ANAK MO! If anything happens to me especially sa fiesta ng GenSan, alam n'yo na po, dalawang tao lang ang gumagalaw.”


Hinala ni Claudine, nakipagsabwatan si Raymart sa kanyang PA na si Marisol, kaya ang hirit pa niya, "And this person is in connivance with someone who wants me dead. Hindi ho ito biro. Pls. pray for my safety and stay away from Marisol Acap.”


At bago tinapos ng aktres ang kanyang FB Live, nag-dialogue rin ito ng, "At ikaw, malalaki na ang mga anak ko, magkita tayo sa VAWC. You want me dead dahil 'di kita binabalikan, bring it on, bring it on! Multuhin ka sana ng nanay at tatay mo!"


As of yesterday, palaisipan pa sa mga fans at netizens kung naibalik na ba kay Claudine ang tatlo niyang anak.


Muli kasing nag-post ang aktres sa kanyang FB account ng printed copy ng promissory note na nagsasaad na P5 milyon ang kailangang bayaran sa kanya ni Marisol Acap na minsan na raw niyang pinatawad sa pagnanakaw nito.


Ganito ang caption ng post ni Claudine (as is): “Pinatawad kita sa pang nanakaw mo.pero etong ginawa nyo MAGBABAYAD KAYO!!!PAREHO KAYO!!!”


Maliban dito, ini-repost din ni Claudine ang Instagram post ng anak na si Sabina Santiago na ganito ang nakasaad: “Ate Sol, please surrender yourself to the authorities. You took Noah, Quia, and I. Now you are hiding. The authories (sic: authorities) are looking for you in the village. How could you do this to us.”


Ang caption naman dito ni Claudine ay: “You do anything bad to ANY OF MY CHILDREN MAGTAGO KA NA! Simula palang to. @marisol0125 masisira buhay mo promise! I AM A MOTHER!! yan ang pinakamali mong ginawa! WAG MGA ANAK KO! CLAUDINIANS AT RYCB KO AT HIGIT SA LAHAT WAG AKO SOL!!!!”


Well, we hope na as of the moment ay ligtas na naibalik na kay Claudine ang kanyang mga anak. 


Habang isinusulat namin ang kolum na ito, wala pa rin kasing update si Claudine, at burado na rin ang kanyang FB Live, kaya kahit marami pang gustong makapanood nito ay hindi na mahanap ng mga netizens.


Bukas ang aming kolum sa panig ni Raymart Santiago at ni Marisol Acap.




Jericho at Anne Curtis - Showbiz Special


After 18 yrs., balik-tambalan sa pelikula sina Jericho Rosales at Anne Curtis.

Unang nagtambal sa MMFF movie na Baler nu’ng 2008 sina Echo at Anne. At ngayon, sa pre-Valentine movie na The Loved One na showing sa Feb. 11, 2026 mula sa co-venture ng Viva Entertainment at Cornerstone Productions, kakaibang love story naman ang hatid ng tambalan nila na mas mature na.


Aminado ang dalawa na pareho silang na-excite sa muli nilang pagsasama lalo’t naging maganda ang chemistry nila noon.


At kahit matagal silang hindi gumawa ng project together, hindi naman nawala ang closeness nina Echo at Anne kaya nga nabiro pa ng aktor ang aktres sa ginanap na mediacon ng The Loved One nu’ng Sabado sa Robinson’s Place Manila.

Hirit ni Echo na patungkol sa recent issue ng pagpatol ni Anne sa isang basher niya na nag-comment na ayaw niyang panoorin ang TLO dahil inglesan nang inglesan ang mga bida, “Maganda ‘tong movie na ‘to kasi nag-i-English kami rito, eh.”


Hindi naman napikon si Anne at sinakyan pa ang hirit ni Echo. Muli inulit ng aktres ang controversial line niyang, “Oo, medyo Taglish siya dito pero may English-English kaya kung ayaw n’yo, ‘di ‘wag kayong manood,” na umani ng tawanan sa audience.


Paliwanag din ng aktres, hindi naman siya nagtataray at parang inisip niya raw na si Vice Ganda lang ang kausap niya at sinasabihan niya ng naturang linya.

Pero siyempre, gusto nina Anne at Echo na panoorin ang The Loved One sa mga sinehan dahil maraming ex-lovers ang makaka-relate rito.


Kasama rin sa pelikula sina Luis Alandy, Max Eigenmann at marami pang iba mula sa direksiyon ni Irene Emma Villamayor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page