top of page

Ravena, matatagalan sa Japan, may new contract sa Shiga Lakes

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2022
  • 1 min read

ni MC - @Sports | August 9, 2022



Pormal nang pumirma ng kontrata si Kiefer Ravena sa Shiga Lakes upang maging opisyal ang kanyang pagbabalik sa koponan.


Isiniwalat ng koponan na na-formalize ang naturang pagpirma matapos ang isang taong paglalaro ni Kiefer sa Japan. Hindi naman ibinunyag ang nilalaman ng kontrata, ngunit sinabi ng mga source na nag-alok ang panig ng Japan B.League ng tatlong taong deal na tinanggap ng dating Ateneo King Eagle.


Nagpahanga si Ravena sa kanyang unang season kasama ang Shiga, na nag-average ng 13.2 puntos sa 35-percent shooting mula sa ilalim, na may 5.9 assists, 2.5 rebounds, at 1.5 steals sa loob ng 27 minuto sa 56 na laro.


Mabilis siyang napalapit sa Lakes sa kabila ng pagtatapos ng 2021-22 season na may 14-43 win-loss record. “I’m excited to be back and play for you guys once again! This will be a great season for us and I know the boosters will have fun supporting the team this year,” wika nito.


Ginugol ni Ravena ang mga nakaraang buwan sa paglalaro para sa Gilas Pilipinas, na nagsisilbing kapitan ng koponan sa 2022 Fiba Asia Cup kung saan nagtapos ang Pilipinas sa ika-siyam na puwesto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page