top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

EXCLUSIVE: Rape victim daw ni Vhong, lumabas na… DENIECE, UMAMIN KUNG BAKIT LUMAPIT KAY SEN. IMEE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2022
2 min read

Updated: Dec 21, 2022

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 19, 2022



Samantala, habang naghihintay sana kaming makalapit kay Sen. Imee Marcos sa kanyang book launch, isang pamilyar na mukha ang umagaw sa aming atensiyon na naghihintay ding makalapit sa sikat na senadora.


Nagulat at nagtaka kami kung bakit nandu’n ang nagdemanda ng rape kay Vhong Navarro na si Deniece Cornejo.



Ang tumakbo agad sa isip namin (at pati pala ng ibang writer friends na nandu’n din sa event), magpapatulong ba si Deniece sa kanyang rape case vs. Vhong kay Sen. Imee na sister ni P-BBM?


‘Di kami nakatiis kaya nilapitan namin si Deniece at ini-remind namin sa kanya na minsan na namin siyang na-exclusive interview sa aming opisina sa BULGAR.


In fairness sa maganda pa ring dalaga, very accommodating siya at natandaan naman niya kami kaya maayos niyang sinagot ang ilang tanong namin.


Sabi niya sa amin, invited siya ni Sir Wilson Flores as a ‘press’. Nalaman namin sa kanya na writer na rin pala siya dahil sa kanyang advocacy sa women empowerment at Green Revolution para mapangalagaan ang ating kalikasan.


Dumalo raw siya sa event to ask Sen. Imee about ‘home economics’ na related sa cookbook nito at kausapin ang senadora tungkol nga sa project ngayon ni P-BBM sa Green Revolution na matagal na raw niyang sinimulan bago pa ito naging proyekto ng pangulo.


So, ayan, ha? Malinaw na walang kinalaman ang rape case nila ni Vhong Navarro sa paglapit niya kay Sen. Imee.


Although tumanggi si Deniece na magpainterbyu dahil nasa korte na nga raw ang kaso at ayaw naman niyang may mga masabi pa siya na makaapekto sa status ng rape case nila ni Vhong.


Basta ang nabanggit niya sa amin, sa ngayon ay pinag-aaralan na rin nilang magsampa ng kaso sa mga namba-bash sa kanya sa social media. Gina-gather na rin daw nila ang mga ebidensiya nu’ng mga nambi-victim shame sa kanya nang walang basehan.


Si Atty. Ferdinand Topacio pala ang lawyer ni Deniece sa kasong cybercrime na isasampa niya kaya ito na lang daw ang tanungin namin.

So, alam na, ha?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page