Rape case, walang bail… VHONG, INILIPAT NA SA KULUNGAN
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 21, 2022

Inilipat sa detention center si Vhong Navarro pagkatapos magbayad ng kanyang bail sa National Bureau of Investigation sa Taft Avenue, Manila noong Lunes.
Ang binayaran ni Vhong na bail ay para sa kasong acts of lasciviousness na inihain laban sa kanya ni Deniece Cornejo sa Metropolitan Trial Court sa Taguig City.
Ayon sa aming source, habang inaayos pa lang ang mga dokumento sa pagpipiyansa ni Vhong ay biglang inilabas ‘yung isa pang warrant para sa kasong rape na isinampa rin sa korte ni Deniece.
Ang rape ay non-bailable.
Dahil sa nangyari, sobrang na-stress daw ang pamilya ni Vhong, dagdag pa ng aming source.
Habang si Vhong ay ‘di rin daw okay emotionally, sabi ng kanyang abogadong si Atty. Alma Mallonga sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.
"I think physically, si Vhong is okay. Ako ay kumpiyansa na habang siya ay nasa NBI, he will be safe. 'Yun ang pinakaimportante.
"Du'n sa ibang tanong na kumusta siya emotionally, I am very sure he's not okay. Siguro, katulad ng mga nagmamahal sa kanyang iba, malungkot ang mga pangyayari kahapon. Ang importante ay we will continue to do what is necessary. Lalaban tayo,” diin ni Atty. Mallonga.
Ganito rin ang stand ng pamilya ni Vhong, ipaglalaban daw nila ito sa kasong kinakaharap bilang isang pamilya.
Buong-buo rin ang suporta kay Vhong ng mga kasamahang hosts sa It’s Showtime.
Sa episode ng It’s Showtime noong Martes ay pinangunahan ni Vice Ganda ang “group hug” ng mga hosts.
“I love you, Vhong. We will all be praying for you, Vhong,” sigaw ni Vice.
Nagpakita rin ng suporta kay Vhong ang mga kasama niya sa Streetboys at pinasimulan ang “#WeStand WithVhong Navarro” movement.





Comments