top of page
Search
  • BULGAR

Ramon Ang, tatakbong pangulo, libre na beer niyan? He-he-he!

ni Ka Ambo - @Bistado | November 27, 2020



Inaprubahan na ng Senado ang P4 trilyong budget sa 2021.


Ito ay sa kabila na may “pork barrel” ang mga kolokoy!


◘◘◘


Lumagda na ang kompanyang Briton at Pinoy sa bentahan ng AstraZeneca COVID vaccine.


Lagdaan lang, pero wala pang bakuna!


◘◘◘


Kakandidato raw na pangulo ng Republika ng Pilipinas si Ramon Ang.

Ang kanyang plataporma?


Libreng beer sa bawat tahanan!


◘◘◘


Hindi sasama ang Singapore sa U.S. para labanan ang China.


Malaki ang tama nila!


◘◘◘


Nagkaloob ng mga armas at bomba ang U.S. sa Pilipinas.


Mahusay maglangis!


◘◘◘


May balita tayong hindi na ang No. 2 man ng PNP na si Gen. Guillermo Eleazar ang hepe ng Joint Task Force COVID Shield.


Pinalitan na siya ng deputy for operations na si PLt Gen. Hawthorne Binag!


◘◘◘


Sa totoo lang, mahusay ang performance ni Eleazar sa implementasyon safety protocols na dapat mapanatili o mapagbuti pa rin ni Binag.


Mahalagang hindi na kumalat pa ang COVID virus para sa ikabubuti ng lahat!


◘◘◘


Walang tigil ang ocular inspection ni Gen. Eleazar sa mga checkpoint kaya’t nasasagot agad niya ang isyu na ipinupukol ng media sakaling nagkakaroon ng aberya sa field.


Dedikado sa trabaho si Eleazar na nakatuwang ni DENR Secretary Roy Cimatu nang kontrolin nila ang biglang pagtaas na bilang ng mga nagkaka-COVID sa lalawigan ng Cebu!


◘◘◘


Nagawa ng Tast Force COVID na disiplinahin ang mga mamamayang matitigas ang ulo at maging ang mga enforcers na nagwawalang bahala sa protocols.


Sa ngayon, malinaw ang mga datos sa pagbaba ng bilang ng mga biktima ng COVID at ‘yan ay bunga ng dedikadong pagbabantay ng pulisya sa mga checkpoint katuwang ang LGU executives!


◘◘◘


Ipagdasal nating dire-diretso na ang pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng virus eksakto naman sa pagdating ng mga bakuna sa susunod na taon.


Hindi pa rin dapat makalmante ang publiko at mahalagang sundin pa rin ang protocol upang makabalik na ang bansa sa totohanang normal na buhay-Pinoy!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page