top of page
Search
BULGAR

Rakrakan Festival 2023, pangungunahan nina Rico Blanco, ELY Buendia at iba pang OPM Legendary icons

ni Fely Ng @Bulgarific | November 22, 2023



Hello, Bulgarians! Hindi pa man opisyal na natatapos ang taong 2023 at very early pa to end the year ay may pa-grand finale na agad para sa mga otaw na lab na lab ang musikang rakrakan.


And take note ha, hindi langd isang araw kundi 2 days nating mai-enjoy ang “The Rakrakan Festival 2023” ngayong darating na November 25 at 26 sa SMDC Festival Grounds, Parañaque City.


Sa November 25, Day 1 ng event ay unang makaka-jamming si Rico Blanco na itinuturing na iconic sa larangan ng musika. Makakasama niya rin sa line up ang December Avenue, Sugarcane, Munimuni, Orange and Lemons, Kiyo, Kjwan, Nobita, Razorback, Saydie, Skychurch, Galaw Tao, Autotelic, Barbie Almalbis, CHNDTR, Better Days, Mizael, Kiss N Tell, at marami pang iba.


Sa Day 2 naman, November 26, pangungunahan ni legendary rockstar icon Ely Buendia ang Rakrakan Festival kasama sina Juan Karlos, Zild, Blaster, Unique, Dilaw, Mayonnaise, Valley of Chrome, Greyhoundz, Typecast, Chicosci, Bandang Lapis, Chocolate Factory, The Chongkeys, Brownman Revival, Pedicab, and more.


Hindi lang ito basta rakrakan, may iba’t ibang activity din ang ino-offer ng event tulad ng Car Show (B2B), a Skate Clinic (Malachi), a Street Art Competition (in partnership with Do It), Perya Games, may pa-Food and Merch Bazaar din, at many to mention pa na tiyak na ikatutuwa ng mga dadalo sa event.


Meron din itong 3 main stages, ang Peace, Center, at Mosh at additional mini-stages tulad ng Busking, Manila Wrestling Federation & Sunugan Battles, Musiklaban Audition Stages at Cosplay Stage. Kaya asahan na hindi lang kakaiba at exciting na experience ang mararanasan n’yo dahil iba’t ibang klase ng music genres at talents ang makikita natin dito. Ito ay magsisilbi ring platform para sa mga bago at papasikat na mga artist.


Kaya ano pang hinihintay n’yo, get your own tickets na mga ka-Bulgar. Available ito sa SMtickets website (https://smtickets.com/events/view/12532), sa Beetzee through Gcash & Maya (http://rakrakan.beetzee.com), pati na rin sa ating favorite shopping apps na Lazada:(http://lazada.com.ph/rakistaclothing),Shopee (http://shopee.ph/rakistaclothing) at sa lahat ng SM Ticket outlets, nationwide.


‘Wag papalampasin ang chance na maging parte ng historic at unforgettable event na ito sa history ng Original Pinoy Music... rakrakan na!


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page