top of page
Search
  • BULGAR

RAFFY KAY MICHELLE: MAGPA-LIE DETECTOR AT DRUG TEST KA MUNA BAGO KASUHAN SI SUPER TEKLA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 27, 2020




Pumayag si Michelle Lhor Bana-ag, kasama ang kapatid, kaibigan at pamangking nagtanggol sa kanya, na magpa-drug test at lie detector test bago sila makapagsampa ng kaso laban sa komedyanteng si Tekla, base na rin sa hiling ng mga netizens.


Pinalabas kasi ni Michelle base sa video na hina-harass siya ni Tekla at kapag hindi siya pumayag sa kagustuhan nito ay hindi sila bibigyan ng pambili ng pagkain kasama ang mga pamangkin niyang nakatira rin sa inuupahang condo unit ng komedyante.


Marami rin kasing nagtanggol kay Tekla tungkol sa pagkatao ni Michelle na maraming bisyo, bagay na hindi naman itinago ng huli tulad ng pagka-casino at droga noon, pero matagal na raw silang huminto at nagagawa raw niya lahat ng ito kasama ang komedyante.


Bagay na sinang-ayunan ni Idol Raffy dahil paano nga naman makakapagbisyo si Michelle gayung wala siyang pera kaya siguradong may basbas nga naman ni Tekla. Kaya rito hiniling na dumaan sa lie detector test at drug test ang ina ng anak ng komedyante.


Nagbilin si Raffy na huwag aalis ng bahay nila sina Michelle kasama ang kapatid, kaibigan at pamangkin dahil anytime ay may pupunta sa kanila para i-test sila.


“Random ito, walang petsa para biglaan at hindi ninyo mapaghandaan kasi kapag sinabi kung anong araw, baka paghandaan ninyo, uminom kayo ng maraming tubig o kung anuman para hindi ma-detect,” say ni Idol Raffy.


Kaya abangan kung ano ang resulta ng lie detector at drug test ni Michelle at dito malalaman kung matutuloy siyang tulungan ng RTIA (Raffy Tulfo in Action) sa pagsasampa ng demanda at bibigyan ng pangkabuhayan showcase.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page