RAFFA, AYAW IPAKITA SA PUBLIKO ANG MUKHA NG ANAK NILA NI JOAQUIN
- BULGAR
- May 3, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 3, 2023

Nakatakip pa rin ang mukha ni Scott, ang anak nina Joaquin Domagoso at Raffa Castro sa ipinost na photos ni Raffa sa baptism at first birthday celebration ng bata na apo nina Diego Castro at Isko Moreno.
Pero, sa post ni Diego sa kanyang Instagram at Facebook, walang takip ang mukha ng bata.

May nag-comment sa post ni Raffa (na nai-post na ni Sofia Pablo na isa pala sa mga ninang) sa photos ni Scott, pero maganda ang paliwanag ni Raffa kung bakit patuloy niyang tinatakpan ang mukha ng anak nila ni Joaquin.
“Actually everyone posted Scott but as his mom, I’ll respect his privacy pa rin nonetheless.”




Comments