Rafael Consing, itinalagang presidente at CEO ng Maharlika

FilFini Angela Fernando - Trainee @News | November 13, 2023

Kinumpirma ng Malacañang ngayon na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Rafael Consing Jr. bilang pangulo at chief executive officer (CEO) ng Maharlika Investment Corporation (MIC).
Inaasahang mahihikayat ni Consing ang mga mamumuhunan na maglagak ng pondo sa Maharlika Investment Fund.
Samantala, gagpahayag ang Department of Finance (DOF) ng buong suporta sa mga pagbabago sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng MIF Act.
Matatandaang inilabas ng Malacañang nu'ng Sabado ang mga pagbabago sa IRR na nagsasaad na merong kapangyarihan ang presidente na magdesisyon sa mga nominado sa posisyon ng board para sa MIF act.





Comments