top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Radio Bell, pasiklab sa PHILTOBO Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 07, 2021



Nagpasiklab muli si Radio Bell matapos angkinin ang korona sa PHILTOBO Juvenile Championship na nilarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite noong Linggo ng hapon.


Sinakyan ni former PSA Jockey-of-the-Year awardee Jonathan B. Hernandez, nirehistro ni Radio Bell ang impresibong 1:41.6 minuto sa 1,600 meter race.


Nagsaya ang Bell Racing Stable na pag-aari ni Elmer De Leon sa pagkakapanalo ng anak nina Sakima at Radioactive Love na si Radio Bell, kinubra nito ang P600,000 na premyo habang nakopo ng second placer na si Gomezian ang P225,000.


Nadalawahan ni Radio Bell ang mahigpit na karibal na si Gomezian, tinalo rin niya ito nang magharap sila sa 2021 PHILRACOM 2nd Leg Juvenile Stakes race nakaraang buwan.


"Magaling na si Radio Bell, magaling pa ang hinete kaya tingin ko lalo pang mag-uumento si kabayo," sabi ni Lester Villegas, veteran karerista.


Pumangatlo si Enigma Uno na humamig ng P125,000 habang pang-apat si Back To The Future na nag-uwi ng P50,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Hindi naman nagpadaig si Patong Patong na nagwagi ng banderang tapos sa Mr. Rodolfo "Rudy" G. Mendoza Memorial Race na pinakawalan sa pang-siyam na karera.


Agad na sinunggaban ni Patong Patong ang unahan sa largahan at dahil sa tulin ay wala ni isa sa kanyang nakatunggali ang nakalapit ng todo, pagsapit ng huling kurbada ay ramdam na ng mga tagahanga ng winning horse ang panalo ng kanilang idolo.


"Kahit sa kalagitnaan ng karera alam mo ng mananalo si Patong Patong, walang nakasunod kaya magaan na tinawid ang meta," komento ni Benjie Corteza na palaging nasa pista upang manood ng ensayo noong nasa Maynila pa ang karerahan.


Ginabayan ni RC Baldonido, umoras si Patong Patong ng 1:17.8 minuto sa 1,300 meter race sapat upang hamigin ang P180,000 habang napunta ang P67,500 sa second placer na si Rhaegal.


Tumersero si Coal Digger na nakopo ang P37,500 habang nagkasya ang 4th placer na si Lava Walker sa P15,000, tumanggap din ng trophy ang winning horseowner.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page