top of page
Search
  • BULGAR

RACHEL, TANGGAP NA ‘DI NA KILALA NG MGA BATANG ARTISTA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 11, 2024



Puring-puri ni Hajji Alejandro sina Maine Mendoza at Alden Richards sa pagiging marespeto ng mga ito sa kanya.


Sa mediacon ng Awit ng Panahon: Noon at Ngayon musical concert featuring some of our OPM icons including Hajji and Gino Padilla, natanong ang mga ito kung mayroon silang hindi magandang experience sa mga bagong sikat na artista na hindi sila pinapansin at inirerespeto.


Ayon kay Hajji, thankfully ay wala naman daw siyang ganu’ng experience.


“In fact, kabaligtaran ang na-experience ko d’yan,” he said. “Sampol lang, Eat… Bulaga! for instance, nu’ng nag-guest ako na kasikatan nu’ng sina Maine Mendoza at ano (Alden).”


Patuloy niya, “Kung napapansin n’yo, bihirang-bihira akong mag-guest sa TV, eh. Part na rin, katamaran ko na rin siguro (sabay-tawa), ayoko ng traffic.


“Pero going back du’n sa story na ‘yun, kasikatan nila (Alden and Maine) nu’n, eh. I was already in the dressing room doing my business, magpapalit ako, kumatok sila, pumasok sila, eh. Nagmano pa sa ‘kin, eh. Nagpakilala sila as if hindi ko sila kilala. Kilala ng buong Pilipinas ‘yan, ‘di ba?


“They’re just showing their respect, ganu’n.”


Kahit daw sa iba pang guestings niya ay ganyan din ang trato sa kanya ng ibang mga artista kaya naman sobrang na-appreciate niya ang respeto na ibinibigay sa kanya ng mga younger stars.


“I think, kinikilala nila kung ano ‘yung kontribusyon mo sa industriya,” sey pa ng original Kilabot ng Kolehiyala.


Para naman sa anak niyang si Rachelle Alejandro na ka-join din sa show, kung hindi man daw siya nabati ng mga kabataang artista, ibig lang sabihin nito ay hindi siya kilala na naiintindihan naman niya since bihira rin naman daw siyang mapanood or makita.


Ayon naman kay Gino, wala rin naman siyang hindi magandang experience sa mga kabataang artista pero agree naman daw siya kay Rachel na hindi nila mae-expect na kilala sila ng new generation of stars.


Samantala, aside from Hajji, Rachel and Gino ay ka-join din sa Awit ng Panahon: Noon at Ngayon sina Kris Lawrence, Male Rigor of VST and Company, Carlos Parsons and Pete Gatela of Hagibis, Nitoy Mallillin of Boyfriends, Abrakadabra at mga new gen artists.


Masayang-masaya ang mga OPM icons na magkasama-samang muli at tila reunion nga raw nila ang concert na ito.       


Gaganapin ang Awit ng Panahon: Noon at Ngayon sa April 21, 7 PM at the New Frontier Theater.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page