top of page
Search
  • BULGAR

Racer Coseteng, 8th Place sa British F4 Championship

ni VA - @Sports | May 13, 2021




Naramdaman kaagad ang presensiya ng batang Filipino race car driver na si Eduardo Coseteng sa kanyang unang salang sa Formula 4 nang tumapos syang pang-walo sa kanyang first race sa 2021 British F4 Championship.

Kumakatawan sa Phinsys ng Argenti motorsport team, ang 17-anyos na si Coseteng ang kauna-unahang Filipino na nakalahok sa Formula 4. Nakakuha si Coseteng ng kabuuang 14 puntos sa dalawang araw na karera na ginanap sa Thruxton Circuit sa Hampshire, England.

Sa unang araw (Mayo 8), agad nagparamdam si Coseteng matapos niyang pumang-apat mula sa naglabang 16 na drivers.Naging best-timed rookie din siya sa naturang karera na nagbigay sa kanya ng Rookie Cup citation.

Nang sumunod na araw, nagtapos lang siyang pang-15 at pang-11 sa huling dalawang karera ng event. Pero kahit na nagtapos na nasa bottom half, naitala naman ni Coseteng ang fastest lap sa nasabing dalawang races sa hanay ng 16 na mga kalahok.

Anak ng Filipino motorsports legend na si Jody, si Coseteng ay nasa ikatlong puwesto sa Rookie Cup standings sa naitala niyang 33 puntos.

Bago nakapasok sa prestihiyosong karéra, nagwagi si Coseteng ng Asian Karting Open Championship (AKOC) junior title noong 2017, AKOC's Formula 125 at Senior X30 classes noong 2018, at Macau International Kart Grand Prix noong 2019.

Nakabase sa United Kingdom, ang susunod na karerang sasabakan ni Coseteng ay sa Snetterton Circuit sa Norfolk, England sa susunod na buwan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page