RABIYA, TINAWAG NA AMBISYOSA AT DRAMA QUEEN
- BULGAR
- Jan 20, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | January 20, 2022

Binura na ng doctor o med tech na basher ni Rabiya Mateo ang comment niyang “Minsan beauty queen, minsan drama queen. Pero kadalasan, ambisyosa, 'di naman marunong umarte, talunan pa sa MU.”
Deactivated na rin ang Instagram account nito, natakot yata na kuyugin siya ng mga supporters ni Rabiya at isama ang hospital kung saan siya nagwo-work, so malaking problema nga naman ‘yun.
Sumagot si Rabiya ng “'Di naman siguro masama mangarap, 'yung masama, mangbaba ng kapwa. Medical professional ka, 'di ba? Sana, maging doctor ka gaya ng pangarap mo. Keep winning in life.”
Ang pinag-ugatan ng mapait na comment ng med tech kay Rabiya ay ang IG post ng beauty queen na nasa kitchen siya ng Baguio Country Club at nakita kung paano i-prepare ang Raisin Bread na marami ang may favorite sa atin.
Ang caption ni Rabiya sa post ay “Minsan action star, minsan panadero. Was privileged enough to see how to make the ever famous Raisin Bread ng Baguio Country Club. Even made a joke kay chef na patayo ako ng sarili kong bakeshop, kunin ko siya.”
Siguradong kahit deactivated ang IG account ng med tech, nababasa pa rin niya ang mga comments sa kanya ng mga netizens na pati manners niya, nabanggit dahil wala raw siya noon.
Samantala, malapit na ang airing ng Season 2 ng Agimat ng Agila na kasama na sa cast si Rabiya bilang isang agent. Parang ang karakter niya ay kakampi ng karakter ni Sen. Bong Revilla. Nag-training si Rabiya ng martial arts, boxing at pati yata shooting para mas magswak siya sa kanyang role.





Comments