top of page

RABIYA, IPINAHANAP ANG LOLO NA KINASUHAN SA PAGNANAKAW NG MANGGA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 21, 2022
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 21, 2022


ree


Humingi ng tulong si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo para hanapin ang lolo na nag-viral sa news dahil nakulong pagkatapos sampahan ng kasong pagnanakaw ng mangga.


Ini-repost ni Rabiya ang news item tungkol sa 80-year-old na si Lolo Narding Floro, inakusahang nagnakaw ng mangga na kanyang itinanim sa lupang akala niya ay bahagi pa rin ng kanyang pagmamay-ari, pero sakop na pala ng ibang may-ari na katabi nila.


Caption ni Rabiya sa kanyang FB post, “Can someone bridge me to Lolo? Finding ways to contact him.”


Maraming netizens ang nagpasalamat at pinuri si Rabiya sa kanyang FB post.


"Thank you, Queen Rabiya Mateo, for having a good heart.”


“Rabiya, you are truly a queen! May puso at maawain. Sana 'yung mga nagsasabi ng masama laban sa 'yo, makita naman nila 'yung kabutihan mo.”


May nagbigay ng payo kay Rabiya kung paano mako-contact si Lolo Narding.


“If I were Rabiya, she can contact the Asingan precinct. Sabi sa paper, eh.”


Bukod kay Rabiya, may ibang celebrities din ang naghayag ng kanilang lungkot at pagkadismaya sa sinapit nu’ng lolo gaya ni DJ ChaCha.


Tweet ni DJ ChaCha, “Nakakapanlumo. 'Yung lolo na 80-anyos na nagnakaw ng mangga, kulong. Eh, 'yung mga magnanakaw sa kaban ng bayan? Hay. Life is really unfair.”


Inayunan naman si DJ ChaCha ng mga netizens sa kanyang tweet. At pati mga pulitikong may kaso ng corruption ay nadawit din sa palitan ng comment ng mga netizens.


“Nakakalungkot pero nangyayari.”


“Pilipinas be like: Nagnakaw ng mangga=arestado. Nagnakaw ng pera ng bayan=ibinoto/ibinoboto/iboboto.”


“'Di naman nagnakaw si BBM, ah, tatay naman niya.”


“Wala namang minention na BBM sa tweet. Bakit defensive? Lelz.”


Anyway, watch n'yo si Rabiya sa kanyang first television program, ang Agimat ng Agila na pinagbibidahan ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr..


Gagampanan ni Rabiya ang role bilang si Agent Asha Raj sa Agimat ng Agila sa GMA-7 na magsisimula na sa January 22, 2022.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page