top of page

R-18 dahil sa laplapan nila ni Sean... MMFF MOVIE NI JAKE, BAWAL SA SM CINEMAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2022
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | December 21, 2022




Nawindang kami sa hiyawan at palakpakan habang pinapanood namin ang love scene nina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa pelikulang My Father, Myself sa ginanap na premiere night nito sa Trinoma Cinema 6 nitong Lunes nang gabi dahil laplapan to the max at niluhuran talaga ng una ang huli.


Napapailing kami sa dalawang aktor, ang husay nila sa eksenang iyon, lalo na si Jake na ang bangu-bango ng hitsura at bigay na bigay na walang pangamba kung ano ang iisipin ng lahat tungkol sa kanya kapag napanood ito sa Disyembre 25.


Kabilang ang pelikula ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions sa walong entries sa Metro Manila Film Festival 2022.


Kaya namin nasabi na napapailing kami ay dahil leading man material si Jake, gumagawa ng teleserye at pelikula, and yet, heto siya, pumayag makipaglaplapan sa kapwa lalaki?


Actually, itinanong nga namin ito sa aktor sa solo presscon niya kung hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role.


“Hindi kasi confident naman ako sa sarili ko, saka iyon naman ang trabaho namin bilang artista, kung ano ang ibinigay sa ‘yong karakter, gawin mo,” nakangiti nitong sagot.


Kaya naman puring-puri to the max si Jake ng lahat ng entertainment media, bloggers, vloggers sa ginampanan niyang role at higit sa lahat, lahat ng tanong ay sinasagot niya, wala siyang pinalalampas.


Sabagay, ever since naman, malapit si Jake sa lahat, maging ang mga katrabaho niya ay walang reklamo sa kanya.


In fairness kay Sean, bigay na bigay din, parang siya pa ‘yung nasabik na gustong tikman talaga si Jake kasi nga siguro, naamoy niyang super-bango ito, ha, ha, ha!


Si Tiffany Grey, kahit baguhan ay nakaarte naman kaya puwede na at bilib din kami sa kanya dahil nasabayan naman niya ang mga co-actors niya sa My Father, Myself. Aliw lang kami kasi ang kulit-kulit niyang maka-sex si Sean.


At kay Dimples Romana ay naiinis kami kasi ang galing-galing niya at ang ganda-ganda niya, super fresh na parang laging bagong paligo at woke up like this ang peg. Sobrang mahal na

mahal siya ng camera ni Direk Joel Lamangan at director of photography ng pelikula na si T.M.

Malones.


Mukha siyang submissive na asawa pero sa dulo, siya pala ang powerful kaya ang ganda ng karakter niya. Panalo ang confrontation scene nila ni Jake dahil naglabas na siya ng sama ng loob.


Hindi pa namin napanood ang lahat ng entries ngayong MMFF 2022 pero sa tingin namin ay hindi naman pahuhuli ang acting nina Jake at Dimples. Pero sabi nga ng dalawa, the fact na nakapasok sila sa festival ay malaking bagay na at sa mga narinig nilang papuri ay music to their ears na. Pero iba-iba naman ang taste ng jurors kaya abangan natin kung sino ang mag-uuwi ng tropeo sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 sa December 27 na gaganapin sa New Frontier Theater.


Sayang nga lang at hindi ito mapapanood sa lahat ng SM Cinemas dahil binigyan ito ng R-18 rating ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB. Pero pasok naman ang My Father, Myself sa lahat ng Ayala Cinemas, Robinsons Cinemas, Gateway and Alimall Cinemas.


Going back sa premiere night ay napuno ito dahil halos kalahati ng mga nanood ay mga kilala at bagong personalidad sa showbiz industry na lahat ay nagulat din sa napanood nila kina Jake at Sean.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page