top of page
Search
  • BULGAR

Quits na, Daniel… ANDREA, IN-UNFOLLOW NA RIN SI KATHRYN

ni Ambet Nabus @Let's See | November 20, 2023




Gumanti ng pag-unfollow si Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo.


Ito ang usap-usapan pa ring iniuugnay sa dahilan umano ng hiwalayang Kathryn-Daniel, though dedma pa rin ang mga kampo nila tungkol dito.


Kung hanggang saan hahantong ang tsikang ganito ay tiyak nating malalaman very soon lalo't hindi raw ang gaya ni Andrea ang magpapatalo na lang basta sa mga tsismis o pambu-bully ng iba.


Kumbaga, ipinauubaya na lang ng mga sangkot sa isipan at imahinasyon ng madla ang tunay na mga nangyayari.


"Bahala na kayong mag-wan-plus-wan," ang sey ng isang kilalang vlogger na tinawag ding fake news peddler ng mga tagapagtanggol ng mga artistang sangkot.


Sa ngayon ay wala pa rin kaming update sa napabalitang tsika na posible umanong magpaalam na sa Kapamilya channel/Star Magic at lumipat na sa ibang management outfit si Kathryn.


May mga lumulutang na names ng mga kilalang personalidad na nagha-handle ng mga artists, pero hanggang tsismis pa rin ang mga ito.


May mga nagsasabi namang maraming nakikipag-usap sa nanay ni Kath hinggil dito at mayroon na nga umanong isang grupo ng mga sikat na 'managers' na parang napipisil nitong mag-handle sa career ng anak.


Again, "TSISMIS" po itong umiikot ngayon at kailangan nating malaman ang sagot.

If when and how, sana po ay masagot na rin very soon!


0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page