top of page
TALKIES - BIMBY, GUSTONG MAG-ASAWA NANG MAAGA PARA MAIHATID NINA KRIS AT BOY SA ALTAR_FB B

Queen of Teleserye Theme Songs, hataw… CONCERT NI ANGELINE, MAY WORLD TOUR

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 31, 2026



BULGARY - CONCERT NI ANGELINE, MAY WORLD TOUR_IG _loveangelinequinto

Photo: IG _loveangelinequinto



Magkakaroon ng world tour sa 2027 ang AQuinse 15th anniversary concert ng Queen of Teleserye Theme Songs o kilala ring Power Diva na si Angeline Quinto.


Isasagawa ang concert tour sa iba’t ibang lungsod at bansa, kabilang ang Australia at New Zealand, gayundin ang mahahalagang lugar sa North America.


Isinagawa kamakailan ang contract signing para sa naturang proyekto.

Sa panayam, inamin ni Angeline na matagal na niyang pangarap na madala sa ibang bansa ang kanyang anniversary concert.


“Thank you, Lord, talaga, makakabalik na naman ako ng ibang bansa para dalhin ang AQuinse du’n, maraming Pinoy na naman ang mapapasaya natin,” pahayag niya.


Hindi lamang basta pagtatanghal ang nais ihanda ni Angeline para sa kanyang mga kababayang OFWs (Overseas Filipino Workers). Sisikapin din niyang magkaroon ng kakaibang timpla ang bawat show upang mas maging espesyal ang karanasan ng mga manonood.


“‘Yan din ‘yung pinaghahandaan ko ngayon pa lang. S’yempre, gusto ko, ‘pag napanood ‘to ng mga kababayan natin sa ibang bansa, may ibang flavor naman. Mag-a-add ako ng mga personal na mga kanta para sa mga Pinoy.


“‘Yung mga Pinoy sa ibang bansa, mas sabik sila na nami-miss nila ang Pilipinas, ang tagal na nilang ‘di nakakabalik dito dahil sa trabaho nila ru’n. ‘Yun talaga ang nagpapaiyak sa kanila, lalo na sa mga espesyal na okasyon. So maglalagay ako ng mga awitin na para sa mga pamilya,” dagdag pa niya.


Ayon sa Daybreak Entertainment Media, kumpirmado na ang apat na concert stops sa Australia at New Zealand.


Inaasahan namang iaanunsiyo sa mga susunod na panahon ang iba pang petsa at bansang kasama sa world tour ni Angge.





Nakatulong pa raw sa role niyang nanay… 

GLAIZA, NAKAGAWA NG MOVIE KAHIT BUNTIS



HINDI naging hadlang ang pagbubuntis ni Glaiza de Castro sa paggawa niya ng pelikulang Amir, na entry para sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026. Bagkus, itinuring pa itong dagdag na inspirasyon ng aktres.


Ibinahagi ni Glaiza na mas naging malalim ang koneksiyon niya sa karakter na ginagampanan nang malaman niyang buntis siya sa panganay nila ng asawang si David Rainey.


Ayon sa aktres, tila nagkaroon siya ng natural na maternal instinct na nakatulong upang higit niyang maunawaan at maramdaman ang kanyang karakter.

“Nagkaroon ng deeper connection with Amir nu’ng nalaman ko that I was pregnant. Parang, ewan ko, nagkaroon ng instinct, totoong instinct ng nanay,” kuwento niya.


Malaki rin ang pasasalamat ng aktres sa production team dahil sa pang-unawa at suportang ibinigay sa kanya habang nagpapatuloy ang shooting.


Para kay Glaiza, napakaganda ng naging timing dahil hindi naging abala o problema sa produksiyon ang kanyang pagbubuntis.


“Sobra akong thankful sa ganu’ng situation. Ang galing ng timing na at peace ‘yung nangyari, ‘di s’ya naging hassle for everyone,” pahayag pa niya.


Samantala, hindi lamang Amir ang proyektong pinagkakaabalahan ni Glaiza. Patuloy ring nakikilala sa international film festivals ang kanyang animated documentary na 58th, na nakatakda ring isumite para sa 99th Academy Awards.





Mga bar owners, binalaan…

MIKE HANOPOL, NAGBABALA SA MGA KUMAKANTA NG HAGIBIS SONGS NANG WALANG PAALAM



HINDI na palalampasin ni Mike Hanopol ang paggamit ng mga awitin ng Hagibis sa mga bar nang walang kaukulang pahintulot.


Babala niya na naka-post sa Facebook (FB):


“Para sa lahat ng bar owners na Hagibis ang guest, binabalaan ko kayo, ‘di na puwedeng gamitin ang mga kanta nang walang permiso.”


Si Mike ang isa sa mga orihinal na bokalista ng Hagibis, na nakilala sa mga awiting naging bahagi ng kasaysayan ng OPM (Original Pilipino Music).


Bukod sa pagiging singer, isa rin siyang songwriter, composer at producer.

Reaksiyon naman ng isang netizen, “‘Di ba puwedeng hayaan na lang ngayon? Sa hinaba-haba ng naging panahon mo, hanggang ngayon ba naman, ipagdadamot mo pa rin ang mga kanta mo? Kailangan ba ng lagay? Or kung ‘di naman, ano’ng dahilan? 


“Magpasalamat na lang sana kasi hanggang ngayon, may mga kumakanta pa rin ng mga kanta mo. Be grateful instead! Down-to-earth na lang sana. 


“Masdan mo na lang ang mga ulap, balikan mo ang iyong alaala... Ang mga araw na lumipas ay ‘di na babalik pa... Lumipas na ang panahon mo, idol, sana’y maging maligaya ka na lang sa buhay!”


Nagpaliwanag naman ang isang netizen, “PARA SA LAHAT NG NAGKOMENTO NA ‘DI MUNA BINASA NANG MABUTI ANG SINASABI NI SIR MIKE, ang ibig n’yang sabihin ay may mga HAGIBIS kasi na kumakanta ngayon at nakakaloko ng bar owners, na sila raw ang orihinal na HAGIBIS na nag-e-exist. Pero hindi! ‘Wag daw kunin at ‘wag maniwala. Ang LEGIT na HAGIBIS na nag-e-exist ay kung sino ang kasama n’ya ngayon na nagpe-perform lagi sa entablado. At para sa kaalaman ng lahat, ang kumanta at sumulat ng mga HAGIBIS songs ay si Sir Mike!”


Sey pa ng isa, “Si Mike Hanopol naman ang sumulat ng karamihan ng songs ng Hagibis at sa ilang kanta, naroon ang boses n’ya. He has all the right to demand royalty sa mga singers/band na gumagamit ng kanta niya for profit, unless humingi ng pahintulot or may blessings n’ya.”


Uhmmm... Mukhang magiging mahaba ang talakayan na ito.

Abangers na lang tayo and rock ‘n roll, peeps!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page