top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Queen Gabi, hinihintay sa pagtakbo sa 3-YO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2023
  • 2 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 30, 2023



Inaabangan ng mga liyamadista ang pagtakbo ni Queen Gabi sa magaganap na 3-Year-Old Maiden Race ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Patok sa mga karera tipsters ng programa si Queen Gabi na sasakyan ni jockey AM Tancioco, pero ayon sa mga dehadista ay malaki rin ang tsansang manalo ng mga dehadong kabayo na kasali.


Ang ibang kalahok sa distansiyang 1,200 meter race ay sina Lucky Lucy, Tiago's Angel, The Alpha Male, Iris at Time Traveller na gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema.


Komento ng mga kareristang hindi tataya Queen Gabi, posibleng magbigay ng magandang laban sina Iris at The Alpha Male. Nakalaan ang added prize na P20,000 para sa unang kabayong tatawid sa meta, ang nasabing karera ang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Isa pang inaasahang magiging maganda ang bakbakan ay ang Condition Race 19 & 20 Merged na pakakawalan sa pangalawang karera.


Magtatagisan ng bilis sa nabanggit na race ay sina Speed Revolution, Candid Moment, King Hans, Stardust, Eazacky, Critical Moments at Golden Sunrise.


Samantala, may pitong karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Queen Gabi (6), The Alpha Male (3)

Race 2 - Stardust (4) King Hans (3)

Race 3 - Che Che (7), Cash Is King (2), Tokyo Tokyo Rumba (6)

Race 4 - May Ten (7), Noir (10), Classic Gee/Queen Margaux (1/1A)

Race 5 - Chrome Bell (4), Full Control (7), Sebrything (9)

Race 6 - Sinag/Raga Muffin (6/6A), Jacqueline (7), Yabadabadur (2),

Race 7 - Atomic Bomb (1), Cash On Hand (2), El Mundo (12), Viva Forever (7)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page